Niresbakan ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang naging pahayag ni Manila Rep. Bienvenido Abante na tinawag siyang “next meow-meow” ng Kamara de Representantes.
Sa eksklusibong panayam ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Tiangco NA lalo lamang lumalakas ang loob niya na magsalita tungkol sa korapsiyon lalo’t wala pa namang “big fish” na napapanagot at naipakulong sa flood control scam.
Pinatutsadahan pa ng kongresista ang aniya’y “mga crocodile” ni dating Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na binabatikos siya.
“Malaking karangalan sa akin na ako’y binabatikos ng mga crocodile ni Martin Romualdez…Sabi nila `wag ko daw buhayin `yung mga issue. No, pipilitin kong buhayin `yang mga issues dahil wala pa namang big fish na nakukulong…Ngayon ang tanong ko sa kanila, bakit kaya takot na takot sila na binubuhay ko ang issue?” resbak ni Tiangco.
Kinuwestiyon pa niya ang mga kritiko kung bakit hindi umano mapalagay kapag nabubuhay ang mga alegasyon. Giit ni Tiangco na dapat lamang na ipagpatuloy ang pagpuna ng publiko hanggang sa mapanagot ang mga sangkot sa korapsiyon.
Una rito ay sinabi ni Abante na nagmumukha na umanong susunod na “meow-meow” ng Kamara si Tiangco dahil sa paulit-ulit na pagsasabi nito ng alegasyon kahit na walang ebidensiya at kabiguan na maghain ng pormal na reklamo.
“Gusto mo bang ikaw na ang susunod na meow-meow?” tanong ni Abante. “Kung may ebidensiya, ilabas. Kung wala, tigilan na ang paninira at ang paghahasik ng pagkakawatak-watak. Paulit-ulit siya, parang sirang plaka,” dagdag pa ng kongresista.
Kaugnay ito sa sinabi ni Tiangco na alam umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang korapsiyon sa mga infrastructure project na isa sa mga tinukoy sa inihandang impeachment complaint ng grupo ni dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor.
Noong Lunes, inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro na walang sinabi sa kanya ang Pangulo sa sinasabing pag-uusap ni Tiangco.
Ipinunto naman ni Abante na walang nakitang ebidensiya ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Senate Blue Ribbon Committee upang iugnay si Romualdez sa flood control scandal.
“Kung paulit-ulit na sinasabi ng mga institusyon na walang basehan, bakit pilit pa ring binubuhay ang isyu?” tanong ni Abante. “Ano ba talaga ang motibo—paghahanap ng katotohanan o politikang paninira?”
Nagmarka ang bansag na “meow-meow” kay Dasmariñas Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, na sinuspinde ng Kamara dahil sa kanyang mga post sa social media. (Billy Begas)
The post Toby Tiangco rumesbak kay Benny Abante: Umaatake ang mga `crocodile’ ni Martin Romualdez first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments