Ang paglalabas ng 2026 National Defense Strategy (NDS) ng Amerika ay nagdulot ng diskusyon sa rehiyon ng Indo‑Pacific, lalo na sa Pilipinas na nasa gitna ng mga obligasyong pang‑alyansa at lumalaking panawagan para sa sariling kakayahan sa depensa.
Tumbok ng NDS ang pangangailangan ng isang “denial defense along the First Island Chain,” na layong hadlangan ang mga kalaban sa pamamagitan ng mas matibay na presensyang-militar.
Malinaw ang mensahe ng Washington sa mga bansang nasa rehiyon lalo na sa mga kaalyado nito, bahala na kayo sa sarili ninyong depensa.
Ayon nga kay Michael Froman, Pangulo ng Council on Foreign Relations, sa kanyang pagsusuri: “For the first time in post‑war history, South Korea is explicitly tasked with taking primary responsibility for the conventional North Korean threat. Japan, Taiwan, and the Philippines, though not named directly, are clearly expected to make massive investments in their defense enterprises. This marks a departure from the longstanding assumption that Washington would continue to play an outsized role in guaranteeing regional security.”
Para sa Pilipinas, mabigat ang implikasyon. Ang pagbili ng mga fighter planes, warships, missile systems at iba pang makabagong kagamitan ay nangangailangan ng napakalaking pondo. Karamihan sa mga ito ay tiyak na manggagaling pa rin sa mga kompanyang Amerikano o kaalyado nila.
Ngunit kung tutuusin, ang pondong ilalaaan sa ‘military upgrade’ resulta ng bagong NDS ng Amerika ay maaring magamit sa social services—murang pabahay, libre kung hindi man ay murang gamot at health services, maayos na public transportation at pailaw sa mga madidilim na kalsada bilang crime prevention, at higit sa lahat murang bilihin.
Sa kabilang banda, nananatili ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagbibigay ng access sa U.S. forces sa mga base sa Pilipinas. Bagama’t madalas itong ipakita bilang simbolo ng alyansa, hindi maikakaila na nagiging magnet din ito ng posibleng ganti sa anumang labanan na kinasasangkutan ng Amerika.
Ito ang naglalagay sa Pilipinas sa isang “strategic dilemma”: gumastos nang malaki para sa depensa habang nagiging target ng mga kalaban o ituon ang pondo sa mga serbisyong panlipunan na direktang makikinabang ang mamamayan.
Ang NDS ay hamon sa Pilipinas na timbangin kung ang EDCA ay tunay na panangga o isa lamang na lightning rod o mitsa ng panganib.
Ang kredibilidad ng alyansa ay masusukat hindi lamang sa Iran o China, kundi sa kung paano itinuturing ng Amerika ang mga frontline allies tulad ng Pilipinas. Kung burden‑sharing lamang ang ipipilit nang walang malinaw na garantiya, kailangang tanungin ng taong-bayan kung ang mga gastusin ay tunay na para sa pambansang interes o para lamang palakasin ang ‘strategic posturing’ ni Uncle Sam?
The post Bahala na kayo sa buhay ‘nyo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments