Erwin Tulfo: `Mga senador sa flood control scam dapat walang lusot’

Nanawagan si Senador Erwin Tulfo sa mga nag-iimbestiga sa flood control scandal na siguraduhing matibay ang anumang kaso na isasampa laban sa mga kapwa niya senador at iba pang indibiduwal na idinawit sa umano’y korapsiyon sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Tulfo, inihayag niya ito sa isinagawang konsultasyon ng Senado sa Department of Justice (DOJ), Office of the Ombudsman, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) matapos umano siyang sabihan na hindi hihingi ng arrest warrant ang mga awtoridad kung walang pinanghahawakan na matibay na ebidensiya.

Nangangamba kasi ang senador na baka magaya lang umano ito sa P10 billion pork barrel scam kung saan nabasura ang ibang kaso dahil mahina ang ebidensiya.

“Sabi ko, because this is like a deja vu of kay Janet Napoles na na-dismiss lang din kasi mahina,” pahayag ni Tulfo sa mga reporter nitong Lunes, Pebrero 9.

Aniya, sayang ang panahonng ginuguol ng mga prosecutor at ng Senate Blue Ribbon Committee kung wala ring mangyayari sa mga isasampang kaso laban sa mga sangkot sa flood control scam.

“So we have to make sure, best decision din naman yung instruction ng Pangulo, `di ba make sure, it’s really airtight,” giit ni Tulfo.

Napansin din umano niya na naantala ang pagpapalabas ng arrest warrant at tila kinakamada pa ng mga awtoridad ang pagsasampa ng mga kaso.

“Parang ang basa ko ngayon, hindi sila kaagad makalabas ng warrant of arrest because meron silang binubuo pa,” ani Tulfo.

Ibinahagi rin ni Tulfo na may mga pangamba rin sa Senado na mauwi lang sa “trial by publicity” kapag pumalpak ang mga kaso sa flood control scam kaya may ilang mambabatas na atubiling pumirma sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee.

“May iba na hesitant kasi parang they’re saying like, parang kagaya ko, may kulang, parang malamya, etc…`Yung iba naman very strong worded,” ayon sa senador.

Nang tanungin kung ilalatag na sa plenaryo ng Senado ang committee report, sumagot si Tulfo na depende ito sa plenary schedule. Tumanggi rin siyang kumpirmahin kung ano ang rekomendasyon ng komite laban sa ilang senador dahil mas pinagtutuunan umano niya kung may sapat na ebidensiya.

“My question was, do we have an airtight case, kasi sayang, kung hindi naman, what are we talking about here?” ani Tulfo.

Una nang kinumpirma ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na inirekomenda sa draft committee report ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kina Senador Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, at Francis Escudero kaugnay ng flood control scam.

Samantala, kasama ni Tulfo sa consultation meeting sa DOJ, Ombudsman at AMLC sina Lacson, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, at Raffy Tulfo kung saan kanilang pinag-usapan kung mayroong sapat na ebidensiya para sa pagsasampa ng mga kaso.

The post Erwin Tulfo: `Mga senador sa flood control scam dapat walang lusot’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments