Pinapurihan ng mga tagahanga sa online si Alexandra ‘Alex’ Eala dahil sa pagmamahal sa kapaligiran, pagpapanatili sa kalinisan.
Sa isang maliit pero makabuluhang kilos ito ng Pinay tennis star na tamang itinapon ang kanyang mga walang lamang bote ng mineral water pagkatapos ng ng isang laban sa patuloy pa ring 41st Miami Open sa Florida.
Isang clip na kumalat sa social media nitong lunes ang nagpapakita kay Eala na naglalakad sa gilid ng court at itinapon ang kanyang mga ginamit na bote sa basurahan, nagbigay-diin sa kanyang disiplina at paggalang sa kalinisan, na kinabiliban ng mga manonood.
Nag-viral ang video, kung saan pinuri ng mga tagahanga ang batang atleta at Globe Ambassador hindi lang sa kanyang performance sa court, kundi pati na sa pagpapakita ng magandang halimbawa sa labas nito.
Maraming komento ang nagpahayag na ang mga ganitong aksiyon ay nagpapakita ng magandang asal at propesyonalismo, habang ang iba naman ay nagpaabot ng pag-asa na mas maraming atleta ang susunod sa kanyang yapak.
Si Eala ang isa sa mga umuusbong na bituin ng bansa sa pandaigdigang Women’s Tennis Association Tour. Patuloy siyang nakakakuha ng suporta mula sa mga Pilipinong tagahanga, na marami ang nagsasabing ang kanyang asal ay nagpapalakas at angat sa kanya bilang isang atleta at huwaran ng lahat. (Fastbreak)
The post Alexandra Eala hinangaan ang kalinisan sa kapaligiran first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments