Justin Brownlee bet drumibol si Dwight Ramos sa Ginebra

Hindi nag-atubiling aprub si Justin Brownlee nang mausisa sa posibilidad na sumali si Gilas ‘Pinas teammate Dwight Ramos sa 41st PBA Draft 2027 at huguting top pick ng Barangay Ginebra San Miguel.

“Halika na, Dwight.” Number one. Sige na, tara na sa Ginebra, NSD!,” masigla, nakangiting tugon sa Ingles nitong isang araw sa Fastbreak ng Gin Kings import at Gilas naturalized player sa Levanga Hokkaido Fil-Am co-captain.

Napasakamay ng Ginebra ang susunod na taong first-round pick ng Terrafirma nang i-trade noong Oktubre sina Maverick Ahanmisi at Aljon Mariano.

Sa mga bulung-bulungan na abangers na ang crowd favorite squad sa 24 year-old, 6-foot4 guard, ipinahayag ni Brownlee na buo niyang tatanggapin at bukas pa ang mga palad na sasalubungin si Ramos.

“Sa totoo lang, mahal ko si Dwight, pare,” hirit niya. “Ang paglalarong kasama siya sa Gilas ay napakaganda. Isa siyang kahanga-hangang tao sa loob at labas ng court. Ang kanyang talento ay nagsasalita para sa sarili niya.”

Kumpiyansa si Brownlee na kung sa Ginebra mapunta si Ramos magiging dagdag puwersa ito ng team at maging sa liga. (Jesus Nathaniel Valdez)

The post Justin Brownlee bet drumibol si Dwight Ramos sa Ginebra first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments