Dottie Ardina 23rd place sa Orlando Health Golf

Nanlamig si Dottie Ardina para magsumite ng 1-over 73 tungo sa 2-under 214 total at bumuhol sa 6-way tie para sa 23rd place sa wakas ng $250K 1st Orlando Health Championship sa Grasslands Golf & Country Club sa Lakeland, Florida nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Iyon ang pinakamalamyang bitaw ng Pinay shotmaker na pinapadrinuhan ng ICTSI (International Container Terminal services, Inc.) sa loob ng tatlong araw makalipas ang 71-70 upang matablahan ng kababayang si Clariss Guce na may 69 (214).

May tig-$2,703 (P160K) sina Ardina at Guce sa 120-player, 3-day event na pinamayagpagan sa isang palong tagumpay ni Maddie McCrary (68-204) kontra sa kapwa Amerikanang si Mariel Galdiano (67-205) para hagipin ang $37,500 (mahigit P2M).

Tumersera si Finland bet Kiira Riihijarvi na may 206 sa huling sinalpak na 64 sa kaganapang nagsilbing third stage ng 19-leg 46th Epson Tour.

Nagpadausdos kay Ardina mula sa pagsalo sa ikawalong posisyon sa penultimate round ang tigalawang bogey at double bogey na bumalewala sa limang birdie sa finale.

Hindi niya nahigitan ang 12th place finish sa IOA Golf Classic noong isang linggo makaraan ang 29th sa Atlantic Beach Classic sa unang linggo ng Marso. (Ramil Cruz)

The post Dottie Ardina 23rd place sa Orlando Health Golf first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments