Hapones pinadyak unang Asian track cycling record sa Tagaytay

Itinarak ni Kaiya Ota ng Japan ang kanyang puwesto sa Tagaytay CT Velodrome sa pamamagitan ng pagtatakda ng bagong rekord sa Asian Cycling Confederation (ACC) 45th Track Cycling Championships elite men sprint sa qualifying round bago tuluyang isinukbit ng gintong medalya nang may kadalian.

Nagtala ang Japanese ng 9.348 segundo sa qualifiers noong Linggo upang masira ang dating Asian mark na 9.350 segundo na siya rin mismo ang nagposte sa Paris Olympics noong Agosto 2024.

Ang dalawang beses na kampeon sa Asian Games ang nagwagi ng ginto, pero hindi nakapagbigay ng mas magandang oras na 9.575 segundo sa parehas na araw. Sapat na upang hindi makasilat si Li Zhiwei ng China (9.926).

Ang mga kapwa Hapon na Olympian ni Ota nagpakita rin ng kanilang galing sa elite men at women Madison sa mga kampeonato na inoorganisa ng PhilCycling, Tagaytay City at sinusuportahan ng Philippine Sports Commission, MVP Sports Foundation, Sports Plus PH, Toyota at Peak.

Pakita ng kahusayan sina Eiya Hashimoto at Kazushige Kuboki sa paghablot ng mga gold medal sa elite men Madison na may 104 puntos – ang Kazakhstan na sina Ilya Karabutov at Ramis Dinmukhametov ang nakapilak sa 82 points at ang Hong Kong na sina Tsu Wai Chu at Kai Kwong Tso ang kumpumleto sa podium sa 65.

Sina Mizuki Ikeda at Maho Kakita ang nag-uwi ng ginto para sa Japan sa karera ng mga kababaihan na may 53 pts., tinalo sina Chinese Xianbing Gong at Menghan Zhou ng Tsina (40), at Sze Wing Lee at Wing Yee ng Hong Kong (31).

Samantala, patuloy na nangingibabaw ang Chinese sa 16 na bansang magdiriwang din ng ika-33 anibersaryo sa ACC ngayong Martes (Marso 31), ang huling araw ng mga paligsahan.

Nakuha ng mga Tsino ang 13 ginto at anim na pilak, sinundan ng mga Hapones na may apat na ginto, anim na pilak, at pitong tansong medalya.

Sa men’s junior keirin, si Yi Kuan Lin ng Chinese Taipei ang nanalo ng gold sa men’s junior at si Hyerin Park ng South Korea ang nanguna sa karera ng mga kababaihan. (Abante Tonite Sports )

The post Hapones pinadyak unang Asian track cycling record sa Tagaytay first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments