Ivy Lacsina sinungkit ika-2 PVLPC Player of the Week

Binalandra muli ni Ivy Keith Lacsina ang tibay at angas upang maging pangunahing bida sa ganap na pagbangon ng Akari mula sa masaklap na 0-3 simula.

Ang matangkad na winger ang nagbigay-daan sa kay coach Tina Salak sa isang 25-21, 26-24, 17-25, 25-21 na nakakapagpataas ng moral na pagbulaga kontra Creamline nang palawigin ng Chargers ang ratsada sa apat sa 9th Premier Volleyball League All-Filipino Conference noong Huwebes sa Playtime FilOil Centre sa San Juan.

Nagtala siya ng 20 points mula sa 18 attacks, tig-1 block, ace upang balikatin ang Akari na putulin ang limang sunod na ragasa ng Cool Smahers at palakasin ang tsansang maka-Top 4 sa preliminary round na isang paborableng senaryo na magbibigay sa kanila ng puwesto sa Qualifying Round.

Sa mahalagang papel sa pag-alon ng Chargers, si Lacsina ang pinagkaisahang iboto nitong Linggo bilang PVL Press Corps Player of the Week-Pilipinas Live para sa Marso 10-14.

Pinigil ng taga-San Fernando, Pampanga ang kanyang emosyon para patnubayan ang Akari sa ikalawang panalo ng prangkisa laban sa 10 beses na kampeon sa liga.

“Siguro sa akin po, with the guidance na rin po ng coaches. Kasi sila talaga ang nagsasabi na, ‘Oh, kalma,’ parang [kapag] medyo mataas na ang emotion namin, sila talaga ang nagma-manage no’n,” sey ng 26-anyos na spiker sa ikalawa niyang weekly citation makaraan noong Pebrero 24-28.

Sa kabila ng mga panalo, pinananatili ni Lacsina ang sarili, na nagtitipid ng espasyo para sa mga bagong aralin habang itinatakda ang mga pananaw sa mas malalaking layunin sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

“Siyempre, every day naman, kahit na nananalo ako, lagi ko pong sinasabi, kahit sa ibang interviews ko na, every day, lagi dapat may space sa akin para sa bagong learning. So, hindi ‘yun nawawala sa akin, kasi may gusto pa akong ma-achieve,” hirit ng balibolista. (Lito Oredo)

The post Ivy Lacsina sinungkit ika-2 PVLPC Player of the Week first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments