LRT, MRT lugi ng P35M kada buwan sa 50% diskuwento – LRTA chief Hernando Cabrera

Mawawalan ng P35 milyon na kita kada buwan ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 at Metro Rail Transit (MRT) Line 3 dahil sa pagpapatupad ng 50% na diskuwento sa mga pasahero upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis.

Ito ang inihayag ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera sa Bagong Pilipinas public briefing batay sa kanilang kompyutasyon alinsunod sa direktiba na magpatupad ng diskuwento sa mga pasahero upang hindi gaanong mahirapan sa epekto ng oil price increase.

Ayon kay Cabrera, awtomatikong mababawas ang diskuwento sa mga gumagamit ng beep card habang sa mga single journey ticket, discounted na ang rate sa pamasahe.

Sinabi ng opisyal na na-calibrate na nila ang mga ticket vending machine para sa 50% discount at sa darating na Lunes, Marso 23, automatic na ang babayaran sa 50 percent discount.

Dagdag pa ni Cabrera na hindi pa masabi kung hanggang kailan ang 50% na diskuwento.

Kasabay nito nilinaw ni Cabrera na hindi na kasali sa 50% na diskuwento ang mga senior citizen, estudyante at person with disability. (Aileen Taliping)

The post LRT, MRT lugi ng P35M kada buwan sa 50% diskuwento – LRTA chief Hernando Cabrera first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments