Agri exec inalarma ang Senado sa presyo ng pagkain: `Manok papalo sa P324, bigas P67 per kilo’

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng umabot sa P324 kada kilo ang presyo ng manok at P67 ang bigas kung magtatagal ang pandaigdigang krisis sa langis.

Ayon kay DA Assistant Secretary U-Nichols Manalo sa pagdinig sa Senado nitong Martes, Marso 24, mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang pandaigdigang sitwasyon at lagay ng suplay ng pagkain sa bansa.

“We are closely monitoring the prices of our basic commodities, including fertilizers, and the supply of food and agricultural products relative to projected impacts,” sabi ni Manalo.

Ipinakita niya ang senaryo kung saan tataas ang presyo ng crude oil sa $200 kada bariles sa loob ng 180 araw dahil sa pinsala sa oil infrastructure sa Gitnang Silangan, na magtutulak ng mas mataas na gastusin sa sektor ng agrikultura.

Sa ganitong sitwasyon, posible aniyang tumaas ang presyo ng manok mula P200 hanggang P324 kada kilo, gayundin ang baboy, lalo na ang kasim at liempo. Ang well-milled rice ay maaari umanong tumaas ng 49%, mula P45 patungong P67 kada kilo.

Apektado rin ang presyo ng pataba o abono, na maaari umanong tumaas sa P288 kada 50 kilong bag ng granular urea at P237 sa drilled urea, na magpapataas sa farmgate production costs ng P1 hanggang P1.50 kada kilo.

Posibleng bumaba rin ang produksyon ng bigas at mais, pati ang supply ng gulay at sibuyas, dahil sa mas mataas na gastos sa imbakan at langis.

Nanganganib din umano ang kabuhayan ng dalawa hanggang tatlong porsiyento ng maliliit na magsasaka, habang tataas sa P1,000 kada araw ang gastusin ng mga mangingisda sa petrolyo para sa kanilang bangka.

Binigyang-diin ni Manalo ang pangangailangan ng agarang hakbang, lalo na’t ang kasalukuyang imbentaryo ng National Food Authority para sa bigas ay sapat lamang sa siyam na araw. (Angelika Cabral)

The post Agri exec inalarma ang Senado sa presyo ng pagkain: `Manok papalo sa P324, bigas P67 per kilo’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments