Nanawagan ang mga kaanak ng ilang nawawalang sabungero sa Philippine National Police (PNP) na huwag bigyan ng special treatment ang mga pulis na umano’y sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay Jaja Piralta, partner ni John Claude Inonog na nawawala mula pa noong 2022, nalaman nila nitong Lunes na may ilang akusadong pulis na pinayagang manatili sa custody ng PNP.
“Magkakaroon ng special treatment. Dapat malipat sila sa regular jail. Hindi dapat sila binibigyan ng special treatment,” ani Piralta.
Nanawagan din siya kina PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II na huwag bigyan ng simpatya ang mga pulis na may kinalaman umano sa kaso.
“Sana pagbigyan nila ang hinihiling namin,” dagdag niya. (Prince Golez)
The post VIP treatment sa mga missing sabungero suspek inalmahan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments