Nagsagawa ng pagpupulong ang Department of Justice (DOJ) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang plantsahin ang koordinasyon sa layuning bigyan ng proteksyon ang mga abogado sa bansa habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin sa batas.
Pinag-usapan nila ang posibleng pagtutulungan upang palakasin ang hustisya at pagbutihin ang legal aid programs sa bansa.
Isinagawa ang talakayan sa gitna ng mga pangamba sa kaligtasan ng mga abogado at iba pang miyembro ng hudikatura.
Sa naturang pagpupulong, pinangunahan nina IBP National President Allan Panolong at Chief Presidential Adviser at Immediate Past IBP President Antonio Pido ang delegasyon ng IBP. Pinangunahan naman nina DOJ Undersecretary Garney Candelaria at Executive Director V Jose Ma. Palaganas ang delegasyon ng DOJ.
Noong Pebrero ay nagpatawag na rin ng preliminary meeting ang IBP para sa panukalang Security Summit kung saan tatalakayin ang mga kaukulang hakbang upang mabigyan ng proteksyon ang mga abogado, hukom, at iba pang court personnel.
The post DOJ, IBP sanib-puwersa sa proteksyon ng mga abogado first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments