JV Ejercito: `Iwasan na maparalisa ang agri, negosyo transport sa oil crisis’

Isinulong ni Senador JV Ejercito na gamitin ang emergency power na ibinigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo upang maibsan ang pasanin ng mga konsyumer sa pang-araw araw na mga gastos.

“Ang atin pong proposal ay ibigay ang maximum na tulong at tuluyang suspendihin ang excise tax ng petrolyo,” giit ng senador.

“Balansehin natin para mapanatiling gumagalaw ang mga industriya at mga sektor gaya ng agrikultura at transportasyon, at para maiwasan ang pagkaparalisa ng ating ekonomiya,” dagdag pa niya.

Si Ejercito ang pangunahing may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 12316, ang batas na nagbigay ng kapangyarihan kay Pangulong Marcos upang suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ipinasa ang naturang batas noong Marso 25, isang araw pagkatapos ideklara ng Pangulo ang state of national energy emergency.

Samantala, sinuportahan naman ni Ejercito ang pagsisikap ng administrasyon na makuha ang suporta ng Iran upang payagan ang mga Philippine-flagged vessel at mga marinong Pilipino na ligtas na makadaan sa Strait of Hormuz.

“This is a very welcome development! This will greatly help replenish our petroleum reserves,” ayon sa pahayag ni Ejerico nitong Sabado, Abril 4.

Nauna rito ay hiniling ng pamahalaan sa Iran na italaga ang Pilipinas bilang “non-hostile” na bansa para sa ligtas na paglalayag ng mga oil shipment na papunta sa Pilipinas sa gitna ng tensyonadong sitwasyon sa Gitnang Silangan.

The post JV Ejercito: `Iwasan na maparalisa ang agri, negosyo transport sa oil crisis’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments