Inihayag ni Senador Robin Padilla ang plano niyang umalis ng Pilipinas at kumalas sa political system ng bansa.
“Gusto ko na talagang magpunta sa abroad. Magpunta na nga kami ng Netherlands, ng Germany,” sabi ni Padilla sa panayam sa programang “Politiko Talks” ng Bilyonaryo News Channel.
“So ito ngayon, (sa) 2028. Gusto ko nga si Jimmy (Bondoc) na maging senador eh,” dagdag pa niya.
Hayagang nagpahiwatig si Padilla ng pagtalikod sa sistema dahil sa umano’y kanyang pagkadismaya sa pamamahala.
“Kung hindi natin mababago ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas, i-enjoy ko na lang ‘yung asawa ko, mag-ano na lang ako sa mga anak ko, kasi… hindi ako naniniwala sa sistema na ‘to,” ayon sa kanya.
“I’m sorry. Patawarin niyo ako, hindi ko nakikita ang future ng sistema na ‘to,” dagdag pa ni Padilla.
Dahil sa planong paglipat, ipinagbibili na rin ng senador ang kanyang Museo de Padilla property sa Quezon City upang matustusan ang posibleng gastos.
“Kaya napunta doon sa usapin na ibebenta ko ‘yung bahay. Kasi parang maka-afford namin,” ani Padilla. (Angelica Malillin)
The post Robin Padilla planong lumayas sa `Pinas dahil walang nakikitang pagbabago sa sistema ng gobyerno first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments