Taif Salama nilubos ang ratsada, UMak winasiwas ang Forza FC

Nanalasa si Taif Salama ng limang goal upang dalhin ang University of Makati (UMak) sa isang 12-1 na tagumpay kontra Forza FC habang umiinit ang girian sa semifinal berths sa PFF Futsaliga na iniharap ng Philippine Sports Commission nitong Biyernes.

Binalandra ng Herons ang walang tigil na atake sa women’s division sa House of Futsal sa Pasig, na naglagay sa kanila sa kontensiyon para sa Final Four spot kung saan nakuha ni Salama ang kanyang ikatlong Bootcamp Player of the Match award sa Matchday 6.

Sa isang pukpukang inaabangan, natapos sa 0–0 tabla ang laban ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws at Beach Hut FC. Sa kabila ng tabla, parehong nakasiguro ng kanilang pwesto sa semifinals ng Cup ang dalawang kampo, pinanatili ang kanilang walang talong rekord.

Samantala, muling pinatunayan ng Azkals Development Club ang dominasyon sa men’s division sa pagdungis sa Philippine Women’s University (PWU), 3-2.

Si Kenzo Chua ang nagbigay ng matinding sipa upang makuha ang parangal na player of the match habang pinakinabangan ng ADC ang malakas na laro sa unang kalahati, pinagtibay ang katayuan bilang tanging hindi natatalong koponan sa dibisyon.

Sa ibang mga laban, naghatid si MJ Libre ng hat trick na nagdala sa Tondo FC sa isang 7-3 na panalo laban sa PUP Radicals sa kanilang Manila derby, na nagkaloob sa kanila ng pangalawang sunod na pananaih upang manatiling nasa laban papasok sa huling araw ng group stage.

Ang ADC ang tanging wala pang talong team, pinapatunayan ang laban para sa Cup sa kabila ng matinding hamon mula sa PWU. Ang clutch win ng UA&P laban sa Enderun ang nagdala sa kanila sa isang mahalagang posisyon sa standings, habang ang muling pagsibol ng Tondo FC aang tumiyak ng isang dramatikong laban para sa huling mga puwesto sa Final 4.

Napasakamay ng University of Makati ang unang panalo sa torneo sa 6–1 tagumpay laban sa Sporting QC kung saan nanguna sa atake si Dyn Rebosura.

Isang transwoman, pinuri Tebosura kanyang koponan, ang liga, at PSC sa pagbibigay ng ligtas na espasyo para sa mga atleta ng LGBT sa entablado ng Futsaliga.

“Tinitingnan talaga kung ano ang skills mo, ano ang contribution mo… ito ang magiging simula na hindi lang pala straight ang pwedeng maglaro ng futsal. Ang maganda sa PFF at PSC, hindi nila jinudge ang gender ko para maging Player of the Match,” lahad ni Rebosura.

Sa wakas ay nakamit ng Azzurri SC ang mahalagang panalong 4–3 laban sa PWU sa women’s division, habang lalo pang pinatibay ng ADC ang bid para sa semis sa 4–2 na tagumpay laban sa Enderun College. (Abante Tonite Sports)

The post Taif Salama nilubos ang ratsada, UMak winasiwas ang Forza FC first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments