Xys Rayco angas ng NU-Nazareth sa pagwalis vs King’s Montessori

Sa pangunguna ni Xys Rayco, agad niladlad ng powerhouse National University-Nazareth School ang lakas sa isang 25-16, 25-14 pagwalis kontra King’s Montessori High School para sa masiglang simulang kampanya sa magkasunod na titulo ng 4th Shakey’s Girls Volleyball Invitational League Rising Stars Cup Division 1 nitong Lunes sa La Salle Green Hills Gym.

Ang bituin ng Alas Pilipinas Girls na si Rayco ang namuno sa Lady Bullpups sa trabahong 10 puntos sa 6 aces at 4 attacks. Umagapay si Jaila Adrao ng siyam na puntos, walo si Jhaynna Bulandres at pito si Raine Alonzo para sa reigning UAAP champion na dinamba ang labanan sa 46 minuto lang.

Pinangunahan nina Kriska Gendap at Sharina Lleses ang King’s Montessori na may anim at limang puntos, ayon sa pagkakasunod, sa torneo na mga hatid ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.

Sa kabilang banda, bumangon ang University of Santo Tomas mula sa pagkatalo sa 1st set upang sakmalin ang De La Salle-Zobel, 24-26, 25-20, 15-19, sa Pool D.

Pinangunahan nina Nicole Pelaez at Ryzel Laag ang matibay na 11-3 rally ng Junior Tigresses sa huling bahagi ng laro upang makuha ang tagumpay sa 73 minuto.

Nakatapos si Pelaez na may 10 puntos, kabilang ang pampanalong kill, si Laag ay nakapuntos ng apat sa kanyang walong sa ikatlong set habang nagdagdag si Eliz Mechavez ng walo rin para sa UST.

May 10 pts. si Jeleanne Laborte habang sina Alyanna Valdez at Kylie Celada ay nag-ambag ng tig-8 para naman sa Junior Lady Spikers.

Sa ibang mga laban sa Division 1, tinalo ng Immaculada Conception College ang Canossa Academy, 25-12, 26-24, sa Pool B, at wagi ang St. John’s Institute sa De La Salle-Lipa, 26-24, 25-13, sa Pool C.

Samantala, ang kasalukuyang kampeon ng Division 2 na Domuschola International School mabilis na tinalo ang The Beacon Academy, 25-8, 25-8, sa Pool E upang simulan ang kanilang bid para sa pagtatanggol ng titulo sa torneo na mga sinusuportahan ng Smart Sports, PusoP.com, Solar Sports Free TV, Mikasa, Asics, Eurotel, Team Rebel Sports at Rigour Technology.

Nanalo rin ang San Beda University sa Pool E laban sa MGC-New Life Christian Academy, 25-23, 25-19; winalis ng UST-B ang La Salle Green Hills, 25-23, 25-13, at dinomina ng Poveda ang runner-up ng Division 2 noong nakaraang taon na Everest International School, 25-21, 25-16, sa Pool F.

Nanaig ang Assumption Antipolo sa Pace Academy, 25-18, 25-15, habang tinabig ng NUNS-B ang CCF-The Life Academy, 25-7, 25-9, sa Pool G; kinalos ng DLSZ-B ang St. Paul College-Pasig, 25-16, 25-19, at tinalbos ng University of Batangas ang Sacred Heart School-Ateneo De Cebu, 25-12, 25-19, sa Pool H.

Ang aksyon ay magpapatuloy ngayon na may 12 kapana-panabik na laban na mapapanood sa PusoP.com at Solar Sports. (Abante Tonite Sports)

The post Xys Rayco angas ng NU-Nazareth sa pagwalis vs King’s Montessori first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments