Gaya nang inaasahan, sumampa ng apat na baitang si Alexandra Eala sa latest Women’s Tennis Association world singles ranking na nilitaw nitong Lunes ng Florida-based WTA.
Mula sa No. 42 noong Linggo, akyat ang 20 year-old, 5-foot-11 Pinay player at Globe Ambassador sa No. 38 sa nilikom na 1,340 points.
Ang pag-asensyo ay bunsod sa hinamig na 55 pts.sa nakaraang linggong 83rd Italian Open sa Rome kung saan nakaabot siya sa unang pagkakataon sa third round (Last 32) sa isang clay court sa bata niyang pro career.
Malayo pa man sa career-best world No. 29 noong Marso, ikalawang sunod na sa buwang ito na tumaas siya mula sa 44th noong May 4.
Dumausdos naman si Eala sa doubles, na buhat sa career-high world No. 88 nasadlak sa No. 115 sanhi ng mga first round exit sa Madrid Open at Italian.
Positibong kaganapan pa rin ito para sa Team Eala sa patuloy na paghahanda ng tenista sa ikalawang Grand Slam ngayong taon – ang Frecnh Opoen – sa Roland Garros, Paris sa May 24-June 7.
Kasalukuyang nakikipagpaluan pa nitong Lunes ng gabi si Eala kontra Ukrainian Oleksandra Oliynykova sa Strasbourg International opening round sa France – ang huli niyang kompetisyon patungo sa Queen of Clay. (Abante Tonite Sports)
The post Alexandra Eala 4 baitang inangat sa singles ranking first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments