Muling magkasama sa isang proyekto sina Ivana Alawi at Jameson Blake.
Matatandaang una silang nagka-work sa TV series na “A Family Affair” noong 2022.
Naging isyu noon ang kanilang unang pagsasama dahil pumutok noon ang tsika na nagkaroon ng feud umano ang dalawa.
Ayon sa source ni Ogie Diaz, inireklamo umano ni Ivana si Jameson.
Natalakay niya na hindi raw nagustuhan ng YouTuber-actress nang sobrang ginalingan ni Jameson ang love scene sa kanilang serye.
Feeling kasi ni Ivana ay nag-take advantage umano sa kanya ang aktor. True ba ‘yun?
Dagdag pa na tsika niya, iniiyakan daw ni Jameson nang masita siya ng management dahil sa sumbong ni Ivana.
Sey pa ng aktor, kung naging realistic man daw ang eksena ay sumusunod lang siya sa utos ng director.
May mga nagsasabi namang naayos na ang sigalot sa dalawa dahil kung hindi nga naman ay ‘di papayag si Ivana na muli silang magkasama sa isang proyekto.
Gayunpaman , may ilan namang nagmamaldita ang nakapansin na may air of awkwardness umano sa pagitan nila sa mediacon ng ‘Love Is Never Gone’ kaya naman may nagtatanong kung okay na ba talaga sila.
Anyway kung meron mang namagitang tensyon sa dalawa, hangad namin na sana ay naayos na ito.
After all, lahat naman ay nadadaan sa masinsinang usapan.
Bukas din ang panig nina Ivana at Jameson sa ikalilinaw ng isyung ito.
The post Ivana Alawi iniyakan ni Jameson Blake first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments