Liezel Lopez nalason sa tulingan

Nadala sa ospital ang aktres na si Liezel Lopez dahil lang sa nag-crave ito sa isdang tulingan. Nadale nga raw siya ng pagkalason sa pagkain ng isdang hindi maayos ang pagkakaluto bago kainin.

Ipinaalam ni Liezel sa kanyang mga fan ang nangyaring ito sa kanya via Facebook at Instagram story niya. Dito’y makikitang nakahiga siya sa isang hospital bed at napapaligiran ng mga aparato upang siya ay agad na malapatan ng lunas.

Ginamit ni Liezel ang famous line na “Yup, that’s me. You’re probably wondering how I ended up in this situation” habang nakaturo sa kanya. Kasunod nito ang isang illustration ng isang babae na nag-crave sa isdang tulingan kaya kumain nito, pero maya-maya ay nangati, sumakit ang ulo, bumilis ang tibok ng puso at nasusuka na.

“Scombroid fish poisoning is caused by histamine that forms when fish isn’t kept cold (below 4 degrees Celsius) right after catch,” ayon pa sa naturang illustration ng nangyari kay Liezel.

Dahil nga sa sinapit ng aktres, shinare niya rin ang tungkol sa pagkalason sa pagkain ng tulingan kapag hindi naging maayos ang pagluluto nito, o ‘di kaya ay sadyang bilasa na ang nabiling isda.
Pero huwag nang mag-alala ang mga fan ni Liezel, dahil nag-story rin siya na nasa maayos na itong kalagayan after nitong nangyari sa kanya.
“All is well,” post ni Liezel habang nakahiga at tila may nagbigay pa sa kanya ng bouquet ng bulaklak. (Jun Lopez)

The post Liezel Lopez nalason sa tulingan first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments