Paul Lee bida, Magnolia ipinulupot ang Meralco

Sa pangunguna nina Paul Lee at Javi Gomez De Liano, nagpundar ng 21-point lead sa second quarter ang Magnolia sapat para salagin ang comeback ng Meralco at ipreserba ang 93-76 win sa SM Mall of Asia Arena nitong Linggo ng gabi.

Tinapos ng Hotshots ang elims sa 7-5, hindi natinag sa top four ang Bolts kahit napigil sa 8-4.

Naglista ng 7 points si Lee, 5 kay Gomez De Liano, at pagkatapos ng 7 lead changes sa opening quarter ay inumpisahan ng Magnolia ang second period sa nakakangilong 18-1 run para umagwat 36-15.

Sa likod ng 10 ni Javee Mocon sa third, ilang beses natapyas ng Meralco ang deficit sa single digits at naibaba 74-65 papasok ng fourth.

Inalagaan na lang ng Magnolia ang lamang sa final 12 minues.

Giniyahan ng 19 points, 7 rebounds, 3 assists, 3 blocks ni Clint Chapman ang balanseng atake ng Magnolia, tumapos si Lee ng 13 points tampok ang isang 4-ball at perpektong 2 for 2 sa 3s. Si Javi na lang ang umiskor ng double digits sa 10, pero siyam pang Hotshots ang pumasok sa scoreboard para sa 47-26 advantage sa bench points.

Hindi naibalik ng tig-14 nina Marvin Jones at Mocon ang Meralco. May tig-10 pa sina CJ Cansino at Cliff Hodge.

Nasa last eight na ang Hotshots, seeding na lang ang dinedesisyunan para malaman kung sino ang makakatapat. Sino man, bitbit ng Hotshots ang handicap na win-twice sa next round.

“Honestly, hindi ko pa rin … kahit sino talaga makalaban mo sa taas, eh, they’re in the top four for a reason,” ani coach LA Tenorio. “Basta maging ready lang kami. Katulad nga ng sinabi ni Paul, we’ll be ready kung sino man makalaban namin.”

Manila Clasico naman sa next round kapag tinalo ng Tropang 5G ang Gin Kings – No. 4 ang Gins, No. 5 ang Magnolia. Sa ganitong senaryo, win-twice pa rin ang Hotshots.

Sakaling tinalo ng Ginebra ang TNT sa second game kagabi, magtatagpo muli ang Magnolia at Meralco sa quarters – No. 4 ang Bolts, No. 5 ang Hotshots.

Suma-total, kailangan tatlong beses tatalunin ng Magnolia ang Meralco – una kagabi, dalawa pa sa quarters dahil twice-to-beat ang Bolts, para makapasok sa semis.

“If it is Meralco, then we have to beat them three times basically, naka-isa na kami kailangan namin talunin ng dalawa pa,” dagdag ni coach LA. “If it is Ginebra, then we have to beat Ginebra two times. Alam naman natin I came from Ginebra, mahirap kalaban ang Ginebra. But we’ll be ready.” (Vladi Eduarte)

The post Paul Lee bida, Magnolia ipinulupot ang Meralco first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments