Paul Soriano pinalabas sa Cannes ang 1st Hollywood movie

Isang malaking tagumpay para sa Filipino filmmaker na si Paul Soriano matapos mag-premiere sa 79th Cannes Film Festival ang kanyang unang Hollywood movie na “Diamond”.

Idinirek at isinulat ito ng beteranong aktor na si Andy Garcia bida sina Dustin Hoffman, Brendan Fraser at Bill Murray.

Si Soriano ang kauna-unahang Filipino co-lead producer ng isang major Hollywood film na ipinalabas sa prestihiyosong festival sa France.

Ayon sa ulat ng Variety, nakatanggap ang pelikula ng pitong minutong standing ovation mula sa audience sa main screening venue, Grand Auditorium Louis Lumiere of the Palais des Festivals nitong Martes.

Pinuri rin ng Deadline ang pelikula at tinawag itong isang “wonderfully atmospheric, nostalgic and entertaining contemporary noir.”

Ayon sa ulat, kasama ni Soriano na lumakad sa iconic Cannes red carpet sina Garcia at iba pang cast, kung saan present din sa premiere ang Hollywood star na si Sharon Stone!

Nagpasalamat si Soriano sa kanyang asawa na si Toni Gonzaga dahil sa suporta nito sa kanyang career gayundin sa kanilang dalawang anak na nagsilbing inspirasyon niya.

Ayon kay Soriano, malaking karangalan para sa kanya ang maipalabas ang kanyang prinodyus na pelikula sa Cannes.

Ipinagmamalaki rin umano niya ang pagiging Pilipino kaya nagsuot siya ng Barong Tagalog sa halip na karaniwang black tuxedo.

Sey niya, tuwing may pagkakataon siyang i-represent ang Pilipinas sa mga world-class film festival, ang pagsusuot ng Barong Tagalog ang paraan niya para ipakita sa mundo kung gaano siya ka-proud na maging Pilipino. (Issa Santiago)

The post Paul Soriano pinalabas sa Cannes ang 1st Hollywood movie first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments