Naputol ang kampanya ng Alas Pilipinas men’s team sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge stage play nang tuluyang mag-withdraw nitong Biyernes dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.
Nagkaroon ng biglaang pagtaas ng presyon ng dugo si Roniel Rosales isang araw bago ang laban, at bilang pag-iingat, nagpasya siya at partner na si Ranran Abdilla na umatras sa prestihiyosong kumpetisyon sa Nuvali Sands Courts sa Santa Rosa City.
“Makikita mo talaga na hindi pa ganap na gumagaling ang katawan ng partner ko. Medyo mas mabuti na siya ngayon, pero hindi pa gaanong maganda kondisyon para maglaro. Medyo gumaling siya mula kahapon (Huwebes), pero hindi pa sapat. Masakit pa ang ulo niya,” litanya ni Abdilla.
“Sabi ko sa kanya na ang laro namin ay alas-10:30 a.m. sa ilalim ng matinding init. Baka makapaglaro pa siya, pero ang malaking tanong ay kung matatapos ba niya ang laban.
Dahil wala sina Abdilla at Rosales, sinungkit nina Frederick Bialokoz at Issa Batrane ng England ang walkover, 21-0, 21-0 win, upang makapasok sa next round sa torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at may padrino sa Philippine Sports Commission (PSC).
Unang tumanggap si Rosales ng medikal na atensiyon sa simula ng second set noong Huwebes ng gabi sa pagtaas ng dugo kontra kina Hagen Smith at Ryan Lerna ng United States, kinuha ang panalo sa 21-10, 3-2.
Ang pag-atras ay opisyal na nagpag-eksit sa ‘Pinas sa torneo kasunod ng pagkatalo nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa women’s pool play elims noong Huwebes sa kaganapang mga inaayudahan ng Philippine Olympic Committee, Rebisco, Akari, Ayala Land, at PLDT. (Abante Tonite Sports)
The post Roniel Rosales, Ranran Abdilla atras sa Nuvali Challenge Tour first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments