Winakasan ng ‘Pinas ang kampanya sa pahabol na gold medal ni Aislinn Agnes ‘AC’ Yap upang pumanglimang puwesto sa 22-bansang 11th Asia-Oceania Sambo Championships na hatid ng Philippine Sports Commission nitong Linggo, Hunyo 28 sa Ninoy Aquino Stadium.
Pinabagsak ni Yap sa harap ng nagbubunying mga kabayan ang malakas na si Zamzagul Faizollanova ng Kazakhstan para sa 1-0 na desisyon at mapanatili ang kanyang korona sa women’s -80-kilogram combat sambo.
Pinagdebatehan pa ang pag-pindown ng world No. 1 Pinay grappler ng kasmpo ng 5-time Kazakhstan champion, pero pagkasuri ng tape ng mga teknikal na opisyal ay napagtibay ang naunang hatol na kinasaya ng mga miron.
Ito ay ikatlong ginto para sa mga pambato ng Pilipinas Sambo Federation, Inc. pagkapamayagpag din nina Jomary Torres at Aumagel Princess Cortez sa kani-kanilang mga dibisyon noong Sabado ng gabi sa paligsahang pinangasiwaan ng National Sports Tourism Interagency Committee na pinamumunuan ni PSC Chairman John Patrick ‘Pato’ Gregorio.
May tatlo pang pilak, at walong tansong medalya ang host country, nilampasan ang dalawang ginto mula kina Yap at Sydne Sy sa ika-10 edisyon ng torneo noong isang taon sa Tashkent, Uzbekistan. (Lito Oredo)
The post Aislinn Yap ginto rin, ‘Pinas 5th sa Asia-Oceania Sambo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments