Sa pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television franchise sa mga sinehan, dumalo si Senador Bam Aquino sa special screening nito sa SM Mall of Asia.
Nakasama ni Aquino sina Vandolph Quizon, Boy 2 Quizon, Smokey Manaloto at Maybelyn Dela Cruz sa muling pagbabalik-tanaw sa masasayang alaala ng sikat na sitcom at panonood ng naturang reunion film.
“Hindi kumpleto ang pagiging Batang 90s kung hindi ka lumaki sa sitcom ni Mang Dophg,” deklara ni Bam.
Pinuri ni Bam ang pagsisikap ng production team na maibalik ang isang kuwentong patuloy na tumatatak at minamahal ng mga manonood kahit makalipas ang ilang dekada.
“Salamat sa mga tawa, alaala, at maging sa mga luhang hatid ng kwentong muling nagbigay-buhay sa isang paboritong bahagi ng ating kabataan,” wika ni Aquino.
Muli ring ipinahayag ng senador ang kanyang buong suporta sa lokal na industriya ng pelikula, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtataguyod sa mga kuwentong Pilipino at malikhaing talento ng bansa.
“Patuloy nating susuportahan ang Pelikulang Pilipino,” ani Aquino.
Isinusulong niya na mabigyan ng mas matibay na suporta ng pamahalaan ang creative industry ng bansa dahil sa malaking potensyal nito na makalikha ng mas maraming trabaho at magpasigla ng ekonomiya.
Ayon kay Aquino, nananatiling isa sa pinakamalalaking lakas ng Pilipinas ang creative sector at nararapat lamang itong suportahan sa pamamagitan ng sapat at tuloy-tuloy na pondo, gayundin ng isang pangmatagalang plano mula sa gobyerno.
Aniya, ang pinakalakas na suporta sa mga Pilipinong creatives, artists, content creators, filmmakers, musicians, at designers ay hindi lamang magbubukas ng mas maraming kabuhayan at oportunidad sa trabaho, kundi magpapakita rin ng galing ng Pilipino sa pandaigdigang entablado. (Roldan Castro)
The post Bam bilib sa dating sitcom ni Dolphy first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments