Ginang tinodas sa selos

Patay ang isang 66-anyos na babae matapos pagbabarilin habang sakay ng habal-habal pauwi sa kanyang bahay noong Biyernes sa Brgy. Indahag, Cagayan de Oro City.

Ayon sa ulat, galing sa pinagtatrabahuhang mall ang biktima nang sumakay ito ng habal-habal. Pagdating sa lugar ng insidente, bigla umano siyang pinaputukan ng isang suspek na sakay ng motorsiklo at nakasunod sa kanila.

Isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na siya umabot ng buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Hindi naman nasaktan ang habal-habal driver.

Ayon kay Kagawad Nazar Uayan, una rito’y isa sa mga anak ng biktima ang nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ng kanilang ina.
Sinabi ng mga awtoridad na isa ito sa mga tinitingnang motibo ng pulisya, kasama ang posibilidad na may kaugnayan sa selos.

The post Ginang tinodas sa selos first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments