May baby na si Marlo Mortel.
Umani nga ng maraming pagbati si Marlo sa ipinost niyang video sa kanyang Instagram nitong Father’s Day.
Nahuli si Marlo ng kamera habang karga ang baby na nagngangalang Isaiah Marco sa set ng shoot niya with Maricel Soriano.
May nakalagay pa na art card sa video na, “I’m officially a Dad.”
Reak ng netizens, “Hahaha akala ko totoo…”
“Baby nya yan, nag asawa na pala sya?”
“Diba binata payan?”
Pinost din ni Marlo sa kanyang IG Story ang same video niya na may karga na baby sa set.
Nag-comment si Marlo sa kanyang IG Story at doon pinagdiinan na may baby na siya.
Say ni Marlo sa kanyang IG Story, “Totoo nga. This is pure love.”
Habang maririnig din sa video ang pag-amin ni Marlo sa production staff na kausap niya.
“May baby na ako talaga,” saad pa ni Marlo.
Ganern? (Julie Bonifacio Gaspar)
The post Marlo pinangalandakang may baby na first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments