Hinimok ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maglabas ng ebidensiya at pangalanan ang mga congressman na umano’y sangkot sa korapsiyon.
Ginawa ni Adiong ang hamon sa press conference nitong Lunes, Hunyo 15, matapos sabihin ni Magalong sa isang panayam na kurakot umano ang 90% ng mga kongresista.
“If he has names, it’s better to name names rather than to attack the entire institution,” ani Adiong.
Ayon sa mambabatas, tulad ni Magalong ay itinutulak din ng Kamara de Representantes ang pananagutan at napatunayan aniya ito sa mga committee hearing ng kapulungan tulad ng ginawa ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Dagdag pa niya na mahigit 300 ang miyembro ng Kamara kaya hindi makatarungan ang akusasyon ni Magalong na 90% sa mga ito ay kurakot nang walang ginagawang imbestigasyon o ebidensiya laban sa mga ito.
Wala pang pahayag ang kampo ni Magalong sa reaksyon ni Adiong sa kanyang mga alegasyon. (Bernard Taguinod)
The post Mayor Benjie Magalong hinamon na `hubaran’ mga kurakot na congressman first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments