Minadali ni Vinicius Junior at ng Brazil ang huling group match sa 23rd FIFA World Cup 2026.
Dalawang goal ang ibinaon ni Vinicius at binokya ng five-time World Cup champion Brazil ang Scotland 3-0 nitong Miyerkoles sa Miami Stadium.
Group C winners ang Brazilians at umabante sa knockout stage. Second place sa grupo at umusad din ang Morocco pagkatapos ng 4-2 win sa Haiti. Pinuwersa ng Morocco ang Brazil sa 1-1 draw sa opener.
Sa bawat panalo sa tatlong laro ay umiskor si Vinicius.
Inumpisahan niya ang scoring sa 7th minute, dinagdagan ng isa pa bago ang halftime. Tinablahan niya sina Erling Haaland ng Norway at Kylian Mbappe ng France na nangkolekta ng apat na goal sa tournament, kapos ng isa sa goals ni Lionel Messi ng Argentina.
Galing kay Matheus Cunha ang isa pang goal ng Selecao.
Lumuwag ang depensa ng Scotland, kinuha ni Vincius ang pasa ni striker Rayan, 19, bago mabilis na pinitik sa net paalpas kay goalkeeper Angus Gunn tungo sa 1-0 lead. Dinoble niya ang lead sa isang header bago natapos ang first half. (Vladi Eduarte)
The post Vinicius Junior binalikat Brazil sa knockout stage vs Scotland first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments