Binalandra ni Zoji Edoc ang tibay ng loob sa isang magulong pagtatapos sa harapan, sinalpak ang tatlong sunod na par upang ikasa ang one-over 72, daigin si Andres Jeturian ng isang palo at sungkitin ang titulo ng boys’ 7-10 division sa 4th ICTSI Beverly Place Junior Philippine Golf Tour Championships sa Mexico, Pampanga nitong Martes.
Ang nagsimula bilang isang masayang kapaligiran ng kabataan mabilis naging isang matinding 4-way shootout sa back nine ng Beverly Place Golf Club. Kasama nina Edoc at Jeturian, sina Alexian Ching at Lee Sooreen na malalim na naligaw sa girian para sa pamumuno bago nagkamali ang huli sa patapos na bahagi.
Nakatabla kay Ching sa tuktok first round ng 36-hole event si Jeturian, nakatugma sa matatag na par-par-par na tapos si Edoc. Gayunpaman, siya’y tuluyang natalo sa pagsulong ni Edoc sa gitnang bahagi ng pukpukan, kung saan ang pagbangon mula sa 3-stroke down ang nagbigay kay Edoc ng kontrol sa pamamagitan ng 2-under par sa loob ng 10 butas.
Tumaas ang tensiyon sa huli nang bumagsak si Edoc sa holes 2, 4, at 6, na nagbawas sa kanyang kalamangan sa isa na lang. Pero, sa kabila ng nakakapagod na ainsangan sa ilalim ng maulap na kalangitan, hindi nahanap ni Jeturian ang mahirap na birdie sa mga huling sandali at nagkasya na lang sa 76, na nagbigay kay Edoc ng titulo na may 150 total laban sa 151 ni Jeturian, habang sina Lee (75) at Ching (77) nagbuhol sa ikatlong puwesto na may 152.
Ang matibay na tagumpay naging mahalaga kay Edoc, nagtulak pa kasi sa kanya ng pinakahihintay na pangalawang awtomatikong puwesto sa nalalapit na North vs South Finals na may 42 points, bumuntot unang kwalipikadong si Zach Guico.
Umiskor si Kenzo Tan ng 73 para makuha ang ikalimang pwesto sa 158, na nagpapanatili sa kanya sa No. 3 sa standings, habang si Ching ay No. 4 at si Asher Abad ay nasa panganib na ikalimang puwesto papasok sa huling leg ng Luzon Series sa Eagle Ridge sa Hunyo 17-19.
“I put in the practice right after the first round, adjusting my shots and polishing my putting. That extra work gave me the confidence I needed, especially on Nos. 17, 18, and 1,” lahad Edoc, na ang walang tigil na sipag at tatlong sunud-sunod na birdie ang tumiyak tagumpay mula sa likuran.
“I felt so confident with my putting today, and it taught me that you truly have to train and practice if you want to build that kind of confidence,” hirit pa niya.
Sa girls side, nagpakita ng masterclass sa dominasyon at pinagbigay-alam ni Jaicee Cervantes ang balak na makasali sa Grand Finals party, kinumpleto ang isang makapangyarihang wire-to-wire win na may second at final round 74 para sa kabuuang 149, iniwan si Jehanne Mendoza (72) ng nine-stroke sa pangalawa na may 158, habang nadapa si Summit Point leg winner Andrea Dee sa 83 para sa malayong pangatlo sa 164.
Ang tagumpay ni Cervantes ang nagbigay sa kanya ng 15 mahalagang puntos, nagpalipad sa kanya mula ika-10 puwesto patungo ikaapat sa standings na may 23 pts. sa loob lang ng dalawang paglitaw. Kailangan pa rin niya ng isang makapangyarihang pagtatanghal sa huling yugto upang patatagin ang kahanga-hangang pagsisikap na makapasok sa grand finals.
“I feel happy because my hard work is finally paying off. I really credit my putting for carrying me through these two days. I also learned that I can’t let my emotions get the best of me because managing them is a huge part of my game. I just can’t pressure myself,” saad ni Cervantes.
Habang papalapit na ang circuit sa huling leg sa Luzon, ligtas na nakapuwesto si Winter Serapio sa Grand Finals ng pinakamababatang kategorya na may pinakamataas na 45 markers, habang sina Mendoza at Dee ang mga inaasahang sasakote ng susunod na dalawang puwesto.
Ang dibisyong 11-14 ang magbibigay ng kasing daming fireworks nang magtagumpay si Ryuichi Tao mula simula hanggang matapos sa kategoryang lalaki. Pinangunahan ng isang opening-round na 68, nanatili siyang matatag sa isang closing 73 upang makumpleto ang 141 na kabuuan, matagumpay na pinigilan ang isang late-charging duo upang makuha ang dalawang-stroke na tagumpay laban kina Javie Bautista (71) at Jose Luis Espinosa (69), na nagbuhol sa pangalawa sa 143.
“It feels good to win for the first time. My driving, iron game and chipping all clicked out there,” sey ni Tao, na itinaas ang kanyang kabuuang puntos sa 25 sa may natitirang isang leg sa Luzon Series.
Sa kabila ng pag-angat ni Tao, ang laban para sa natitirang mga puwesto ay parang pressure cooker – hawak nina Chan Ahn at Ryuji Suzuki ang No. 3 at No. 4, habang sina Tao, Jacob Casuga at Race Manhit ay humihinga sa kanilang mga leeg, handang umatake sa huling leg.
Nagtapos si Casuga sa ikaapat na puwesto na may 148 makaraan ang 75 habang si Iñigo Gallardo ay bumagsak sa 77 para sa 149, at nagtabla sina Manhit at Anh sa ikaanim na na may 150 mula 75 at 77, ayon sa pagkakasunod.
Sa bracket ng mga batang babae na may edad 11-14, tagumpay muli si Georgina Handog upang halos matiyak ang kanyang tiket sa Grand Finals. Buhat sa isang malaking kalamangan makalipas ang 18 butas, naglakbay ang kampeon ng Sherwood Hill leg pa-closing 73 pa-145, apat na stroke ang lamang kay Cailey Gonzales, na nagpakitang-gilas sa kurso na may 68 para makuha ang pangalawa sa 149, habang si Aerin Chan ang pangatlo sa 151 buhat sa 74.
“It feels great to win back-to-back. My short game was on point all tournament long. I think if you really want to do well, you have to sharpen your short game. The course was tough, but I was still able to put up a good performance,” lahad ni Handog.
Duimanas ng mahirap na araw si ranking leader Mavis Espedido, bumagsak sa 84 at lumagay sa malayong ikapitong puwesto na may 165. Ang pagkakamali ay nagbigay-daan kay Gonzales na lumampas sa kanya at umakyat sa tuktok na may 39 puntos, habang laglag si Espedido sa pangalawa na 33 pts., at si Chan ay nanatiling nasa laban sa pag-akyat sa 28 puntos.
Sa premier 15-18 dibisyon, arangkada si Jakob Taruc sa isang 11-stroke na kalamangan sa kategoryang lalaki, sa sinalpak na 72 para sa 149 papunta sa huling 18 butas. Si Bryce Co nanatili sa pangalawang sa 160 sa kabila ng 77, habang akyat si Francis Slavin sa pangatlo na may 161 tapos ng 75.
“I was much better off the tee today, and my up-and-down game improved as well. My chip shots landed closer to the pin, making it a lot easier to save par,” ani Taruc, 16. “The biggest challenge was the wind, which kept affecting the ball flight, but I managed through it. Now, I’m just hoping to post an even better score in the final 18 holes than my previous rounds of 77 and 72.”
Ang huling silya mukhang magiging labanan nina Cervantes at Laura Pablo (20 pts.), habang may matematika pang tsansa sina Isabel Cabrera, Tyly Bernardino, at Elizabeth Laurel (may 14 bawat isa).
Samantala, lalo pang iinit ang paghabol para sa mahahalagang puntos sa ranggo at mga pinapangarap na puwesto sa South team ngayong Miyerkoles pagsiklab ng JPGT Visayas-Mindanao Series sa Murcia para sa penultimate leg nito sa maikli ngunit mapanlinlang na Bacolod Golf and Country Club.
Habang ang mga nangungunang kalahok ay nagtatangkang patatagin ang mga puwesto, may isang gutom na grupo ng mga gigil at handang maglunsad ng huling pagsisikap upang makahablot ng mga tiket sa Grand Finals sa pamamagitan ng likurang pinto.
Ang mga aksiyon ay magtatapos sa huling yugto sa Hunyo 8-10 sa Negros Occidental Golf and Country Club sa Bacolod, nangangako ng pinakamapapait na dikdikan sa lahat ng kategorya ng edad. (Abante Tonite Sports)
The post Zoji Edoc kaiba angas! Abante sa ICTSI North vs South finale first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments