Ngayong gabi ang koronasyon ng Little Miss & Miss Teen Universe 2026.
Hindi malilimutan ng mga kandidata ang naganap na sashing ceremony na nagsilbing hudyat ng isang linggong puno ng saya, mahika, pagkakaibigan at mahigpit na kompetisyon.
Anyway, ilang bahagi ng adbokasiya ng Little ang mga kandidata sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ay ang makilahok sa Charity Visit at Donation Drive sa PAWS Animal Shelter sa Quezon City.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa mga na-rescue na hayop sa bansa at maipakita sa mga batang kandidata na ang tunay na liderato ay hindi lamang nasusukat sa korona, kundi sa malasakit, pananagutan at paglilingkod sa mga nangangailangan,maging tao man o hayop.
Mula sa charity work ay nagtungo ang mga kandidata s sa The Magical Tour at Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.
Bukod sa kasiyahan, layunin din ng tour na patatagin ang pagkakaibigan ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa habang lumilikha sila ng mga alaalang tiyak na dadalhin nila saan mang panig ng mundo.
Nu’ng Agosto 16, nag-init ang labanan sa The Preliminary. Tampok ang inaabangang Closed-Door Interview at Talent Competition.
Nasukat ang kanilang confidence, communication skills, personality, creativity at natatanging talento sa harap ng mga hurado.
Ngayong gabi ng koronasyon sa Victoria Sports Club, tumitindi ang excitement dahil bawat kandidata ay may kani-kaniyang kuwento, kultura at pangarap na dala sa prestihiyosong international stage.
Dito makikilala ang bagongLittle Miss at Miss Teen Universe titleholders na magdadala ng karangalan sa kanilang bansa at magiging bagong mukha ng beauty with purpose.
Ang pageant ay hatid ng La REINA’s Filipinas Organization, sa pangunguna nina CEO & Founder Cristhel Fraulein Gardoce Bulabon, Chief Operating Officer Michael Marbella, at Business Development Head Jino Esteban, katuwang ang iba’t ibang organisasyon at brands na sumusuporta sa mga kandidata sa kanilang paglalakbay.
The post Bagong Little Miss & Miss Teen Universe 2026 kokoronahan na first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments