Nagdulot ng malalakas na pag-ulan ang habagat sa maraming lugar sa bansa nitong weekend.
Sa National Capital Region (NCR), maraming lugar ang binaha gaya sa mga mabababang lugar sa Quezon City, Makati, at Valenzuela.
Bukod sa NCR, apektado rin ng pagbaha sa mga probinsya.
Sapol ng landslide mula sa katabing bundok ang Tagaytay-Talisay Road sa Barangay San Jose, Talisay, Batangas.
Natabunan ng lupa, mga bato at naputol na mga puno ang bahagi ng kalsada, na nagdulot din ng pagbaha sa lugar dahil sa patuloy na pag-ulan.
Ayon sa Municipal Risk Reduction and Management Office, nangyari ang pagguho alas-9:35 ng umaga nitong Sabado sa kasagsagan ng pag-ulan.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa pagguho ng lupa.
Naghahanda na ang mga kinauukulan para sa road clearing operation upang maalis ang mga harang sa kalsada.
Sa Barangay Aplaya, Bauan, Batangas, isang bangka ang inanod ng malakas na agos ng bahay sa tabing-dagat.
Ayon sa ulat, nagmula ang malakas na agos sa bukana ng ilog patungong karagatan, dahilan para tangayin ang bangka at nabali ang katig nito.
Agad namang sumaklolo ang mga kapwa mangingisda at inilipat sa ligtas na lugar ang bangka. Nailigtas din ang mangingisdang sakay nito at naiwasang tuluyang masira ang bangka.
Lubog din sa baha ang ilang lugar sa Cavite, Batangas, at Laguna.
Samantala, sa weather bulletin na inilabas ng Pagasa alas-4:00 ng hapon nitong Sabado, Agosto 8, patuloy na nagpapaulan ang habagat sa Luzon at Visayas.
May tropical cyclone na pinangalanang “Dolphin” ang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility na nagpapalakas din sa habagat.
Nagbabala ang Pagasa ng panganib dulot ng mga posibleng flashflood at landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan. (Angelica Malillin/Ronilo Dagos)
The post Habagat pinalubog ilang lugar sa Metro Manila, mga probinsya first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments