Dumistansya si House Majority leader Sandro Marcos III sa usapang ‘coffee date’ kasama si tennis star Alexandra ‘Alex’ Eala.
Sa isang sa panayam sa radio (DZMM Alas Kuwatro program) noong Sabado ng hapon, natanong si Ilocos Norte Rep. Marcos kung type niyang imbitahan sa isang coffee date ang Magandang dalagang reigning Women’s Tennis Association world No. 20 at Globe Ambassador.
Agad naman niyang iniwas ang usapan at sinabing mag-focus na lamang ang lahat sa nagagawang tagumpay para sa bansa ng 21 taong-gulang, 5-9 ang taas, at kaliweteng tenistang tubong Quezon City.
Paglilinaw niya – hindi pa sila personal na nagkikita ni Eala, pero kilala niya ito bilang disiplinado, huwarang manlalaro.
ikinumpara pa ng anak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos J., na ito ang ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao 2 sa kung paano iwinagayway sa international stage ang bandila ng bansa.
Kakareyna lang ni Eala sa 14th Mubadala DC Open sa Washington DC para sa una niyang main-tier WTA 500 event title sa pambihirang pananalasa kontra sa mga tigasing karibal.
Kalahok siya kasalukuyan sa 124th National Bank Open aka Canadian Open sa Sobeys Stadium sa Toronto, Ontario at haharapin sa round of 16 ngayong Lunes, Aug. 10 si Belinda Bencic ng Switzerland. (Fastbreak)
The post Sandro Marcos dinedma sa coffee date si Alex Eala first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments