Kyle Lowry kaiba tatangping parangal sa Toronto Raptors

Noong July, dineklara ni Kyle Lowry na tapos na ang kanyang NBA career at panahon na para igarahe ang kanyang sneakers.

At nitong Huwebes, agad naghayag ang Toronto Raptors na i-re-retire na nila ang No. 7 jersey ni Lowry.

Paraan daw ito para saluduhan si Lowry, ang tinatawag na GROAT o Greatest Raptor Of All Time.

Si Lowry, 40, ang all-time leader ng franchise sa assists, steals at 3-pointers made.

Bibigyan ng isang buong weekend na pagkilala si Lowry na magtatapos sa Jan. 10 kapag ini-host ng Raptors si LeBron James at Philadelphia 76ers.

Added attraction si LeBron, itataon sa kanyang pagdayo ang pagsabit sa No. 7 ni Lowry sa rafters ng Scotiabank Arena.

Ginugol ni Lowry ang final three seasons niya sa Philly.

Bago ang jersey retirement, mamimigay ang Raptors ng collectible Lowry T-shirt sa laro kontra Minnesota Timberwolves sa Jan. 7. Kinabukasan, bobblehead Lowry naman ang ipapamudmod bago i-host ang Utah Jazz.

No. 24 pick ng Memphis Grizzlies si Lowry noong 2006, naglaro muna ng tatlong season sa Houston Rockets bago napunta sa Toronto noong 2012 hanggang 2021. Lumipat siya sa Miami Heat (2021-24) bago napunta sa Sixers.

Sina Lowry at Kawhi Leonard ang nasa unahan ng Raptors nang itaas ang nag-iisang kampeonato ng Toronto noong 2019.

Noong July, pumirma ng one-day contract sa Raptors si Lowry para lang ihayag ang kanyang retirement.

Sa kasaysayan ng Raptors franchise, tanging ang No. 15 ni Vince Carter pa lang ang ni-re-retire. (Vladi Eduarte)

The post Kyle Lowry kaiba tatangping parangal sa Toronto Raptors first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments