Sa kaso ni Lito de Guzman: Jhon Mark Marcia, Mauro Salas pinaubaya sa Viva ang career

IPINAUBAYA na sa Viva nina VMX actors John Mark Marcia at Mauro Salas ang kanilang showbiz career kasunod ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng manager nilang si Lito de Guzman.

Aminado silang kabado ngayon kung ano ang mangyayari sa karera nila pero naniniwala sila sa Viva na hindi sila pababayaan.

Parehong kasama sina Jhon Mark at Mauro sa bagong movie na “Haplos ni Milagros,” na mapapanood sa VMX simula Agosto 14.

Hindi lang ang dalawa ang kabilang sa mga artistang mina-manage ni Lito, kaya naging usap-usapan din sa showbiz ang magiging direksiyon ng kanilang mga career.

Samantala, may kakaibang sagot naman si Jhon Mark nang tanungin kung sino ang gusto niyang “humaplos” sa kanya para raw mahawaan ng suwerte sa showbiz.

Sa mga lalaki, walang iba kundi si Coco Martin ang kanyang napili.

“Haplusin na lang ako ni Coco para magaya ko siya, para makuha ko ‘yung suwerte niya sa showbiz,” pabirong sambit ng aktor.

Sa hanay naman ng mga babae, si Coleen Garcia ang kanyang bet.

Bukod kasi sa kagandahan nito, mala-anghel daw ang dating ni Coleen para kay Jhon Mark.

Pagdating naman sa mga umano’y indecent proposal, tila sanay na raw si John Mark sa ganitong klase ng tanungan sa mundo ng showbiz.

“Proposal? Marami pero tinatanong ko kung magkano, joke lang,” natatawang kuwento niya.

Aniya, hindi na rin siya nagugulat kapag may nagtatanong o nag-aalok ng kung anu-ano.

“Normal na po, normal na ‘yung ganyan sa showbiz, may nagtatanong-tanong.”

“Ako po kasi friendly po akong tao talaga. Sabi ko sa kanya maging magkaibigan na lang tayo, ‘di mo kailangan gumastos. ‘Yun ‘yung sinasabi ko sa tao, dahil masarap akong maging kaibigan,” deklara niya.

Bukod kina Jhon Mark at Mauro Salas, kasama rin sa ‘Haplos ni Milagros’ sina Anya Austria, Honey Abe at Vern Kaye. Ito ay sa direksiyon ni Christopher Novabos.

The post Sa kaso ni Lito de Guzman: Jhon Mark Marcia, Mauro Salas pinaubaya sa Viva ang career first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments