Sa isang panayam, natanong si Janice De Belen hinggil sa stand niya sa pakikipagtrabaho sa ex na si John Estrada.
Nasabi kasi niya noon na di niya bet makatrabaho ang isa sa tatay ng kanyang mga anak.
Nang mabuksan uli ang isyu, iginiit niya na wala pa ring nagbabago sa kanyang desisyon.
Sey pa niya, ayaw raw niyang maging problema pa sila sa produksyon kung sakaling magkaroon ng pagkakataon na magsama sila sa isang proyekto.
“My reasons are still the same,” aniya.
Hirit pa niya, magiging di makatrarungan daw na may madamay pang tao sa kanilang situwasyon.
“Kung magiging problema lang kami para sa mga direktor, katrabaho, sa producer, it’s unfair to them,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, personal daw ang rason niya sa pagtanggi na makasama ang dating mister. (Archie Liao)
The post John Estrada ekis pa rin kay Janice de Belen first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments