Pinusuan ng mga netizen ang pagiging firm ni Shuvee Etrata sa kaniyang personal na prinsipyo. Ito’y matapos ang naging usapan nila ni Anthony Constantino .
Diretsahang tinanong ni Kuya Boy si Shuvee, “Do you kiss each other?” na sinagot naman agad ni Anthony ng “No.”
Ipinaliwanag naman ni Shuvee: “Hindi mo dapat gawin ‘yung pwedeng mag- trigger sa inyo ng into something more.”
Marami ang humanga sa self-control at self-respect ni Shuvee, gayundin sa mabilis na sagot ni Anthony na para sa kanila ay patunay na nirerespeto nito ang boundaries ng dalaga.
Sabi ng isang netizen, “If you know how to set your boundaries and your other half knows how to respect them, alam mo na that that person is definitely a keeper ”
May isa namang nagkomento, “bakit hindi naging PBB winner ‘to this is the influence we need para sa mga kabataan!”
Samantala, may mga nagsabing magandang halimbawa ang dalawa sa kabataan dahil ipinapakita nilang buhay pa rin ang courtship at paghihintay.
“Sana naman ma- adapt ng younger generation natin to, no. Courtship is still alive and it is actually a beautiful process. Such an elegant pair x”
May netizen ding kinilig at nagbigay ng mensahe kay Anthony: “Cute nitong dalawa please lang Anthony patunayan mo na may lalaki pang willing to wait. Lowkey love this two.”
Dahil dito, lalong pinag-uusapan ng netizens ang relasyon nina Shuvee at Anthony, kahit may ilan pa ring nagtatanong kung sila na ba talaga sa totoong buhay. (Beth Gelena)
The post Shuvee Etrata pinusuan sa walang ‘tukaan’ first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments