Suspensiyon ng LPG, kerosene excise tax ikakasa sa sirit-presyo ng krudo

Hinihintay na lamang ng Department of Finance (DOF) ang sertipikasyon mula sa Department of Energy (DOE) na magsasabing lumagpas na sa US$80 per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado upang ikasa ang suspensiyon ng excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Naglabas ng pahayag ang tanggapan ni Finance Secretary Frederick Go nitong Biyernes, Setyembre 11, kung saan sinabi ng DOF na nakahanda itong irekomenda agad sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang suspensiyon ng 100% ng excise tax sa LPG at kerosene para sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Base sa mga ulat, lumagpas na ang crude oil prices sa US$100 per barrel dahil sa panibagong bakbakan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Gitnang Silangan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12316, binigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo alinsunod sa rekomendasyon ng DBCC na may koordinasyon sa DOE kapag umabot o lumagpas sa US$80 per barrel ang presyo ng krudo batay sa Mean of Platts Singapore.

Noong Abril 2026, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 114 kung saan sinuspinde ang excise tax ng ilang produktong petrolyo sa loob ng tatlong buwan base sa rekomendasyon ng DBCC. Ito’y matapos pumaslo ang presyo ng krudo sa US$93.71 per barrel dahil sa tensiyon sa Gitnang Silangan.

Nitong linggo lamang ay sumirit na ang presyo ng kerosene sa P5.58 kada litro habang P4.69 kada litro naman ang itinaas sa gasolina, at P5.18 sa diesel ayon sa inilabas na datos ng DOE noong Lunes. (PNA)

The post Suspensiyon ng LPG, kerosene excise tax ikakasa sa sirit-presyo ng krudo first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments