Mula Noon, Hanggang Ngayon

May mga pagkakaibigang nagsimula sa eskuwelahan, sabay lumaki, nagbago ng landas, pero hindi kailanman nagkahiwalay. Ganito sina Carmie Luna at Maybelle Digo.

Magkaibigan na kami mula pa elementary. At sa paglipas ng maraming taon, nakita ko kung paano sila parehong naging passionate sa anumang bagay na kanilang ginagawa.

Hindi naman nagsimula sa isang laboratory o corporate boardroom ang kanilang bagong adventure.

Nagsimula ito sa simpleng kagustuhang matuto.

Sa paglipas ng panahon, sinubukan nila ang iba’t ibang workshops, nag-explore ng iba’t ibang bagay at patuloy na nagtanong: Ano pa kaya ang puwedeng matutuhan? Ano pa kaya ang puwedeng gawin?

Hanggang nitong August 2026, unti-unting nabuo ang CARMAY Candles & Creations.

Pero higit sa negosyo, parang naging extension ito ng kanilang pagkakaibigan. Habang tumatanda, sabi nga nila, parang nababawasan na ang paghahabol sa malalaki at komplikadong pangarap.

Minsan, gusto mo na lang gawin ang mga bagay na mahal mo. At kung kikita ka habang ginagawa mo iyon, bonus na. Kaya para sa kanila, parehong business at hobby ang CARMAY.

Mahilig sila sa scented candles. Pero habang lumalalim ang kanilang pag-aaral at paglikha, napagtanto nilang ang kandila ay hindi lang basta wax at mitsa.

May kuwento rin ito. May alaala. May pakiramdam.

Kaya mula sa pamilyar na mga amoy, gumawa sila ng sarili nilang signature scents—mula sa nostalgic na amoy ng Kapeng Barako sa maulang hapon, sa preskong pakiramdam ng Tagaytay Breeze, hanggang sa comforting warmth na parang nasa sariling bahay.

May Simbang Gabi rin—isang amoy na parang ibinabalik ka sa excitement at anticipation ng Pasko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan pa sila dadalhin ng kanilang bagong adventure. Pero kilala ko sina Carmie at Maybelle.

Kapag may bagong bagay na gusto nilang matutuhan, aaralin nila. Kapag may tanong, magtatanong sila. Kapag may hindi alam, hindi sila mahihiyang magsimula ulit. At marahil iyon ang isang magandang aral mula sa kanilang kuwento: hindi kailanman natatapos ang pagkatuto.

Ang sa akin lang, huwag tumigil sa pagtatanong. Huwag matakot sumubok. At higit sa lahat, manatiling curious. Dahil minsan, sa pagtanda natin, hindi pala kailangan na palaging may malaki at malayong destinasyon. Minsan, sapat nang masaya ka sa ginagawa mo, kasama ang taong matagal mo nang kasama sa paglalakbay.

At para sa akin, iyon ang mas espesyal sa kuwento nina Carmie at Maybelle.

Isang pagkakaibigang sinubok at pinatatag ng maraming taon. Walang iwanan. Walang sukuan. Laban hanggang dulo.

At kung may bagong chapter man sa kanilang buhay, sigurado akong hindi lang kandila ang kanilang patuloy na sisindihan. Pati mga bagong pangarap.

The post Mula Noon, Hanggang Ngayon first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments