Nailigtas ng Philippine Eagle Foundation o PEF ang isang batang Philippine Eagle na pinangalanang “Magpet” matapos matagpuang mahina sa Brgy. Manobo, Magpet, Cotabato noong gabi ng Setyembre 27.
Tinatayang 5-anyos at presumed female ang agila na tumitimbang ng 5.15 kilo. Sa X-ray, nakita na may tatlong airgun pellets na nakabaon sa katawan nito.
Dalawa sa mga pellet ang natanggal ng beterinaryo dahil malapit ang mga ito sa ibabaw ng balat. Isinagawa ang pagtanggal ng bala sa ilalim ng local anesthesia.
Unang dinala si Magpet sa Department of Environment and Natural Resources–Community Environment and Natural Resources Office bago ipinagkatiwala sa PEF para sa pagsusuri, gamutan at rehabilitation. Patuloy ngayon ang close veterinary care sa agila, na ayon sa PEF ay nananatiling alerto at responsive.
Ayon sa PEF, kahit isang tama ng pellet ay maaaring magdulot ng pagkabali ng buto, impeksiyon, pagkawala ng kakayahang lumipad o kamatayan sa isang agila. (Issa Santiago)
The post Niratrat na agilang si ‘Magpet’ nasagip first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments