Laging ikinakatuwiran ng mga mambabats na sila ay representatives at o kinatawan ng mga tao sa Kongreso kaya anumang batas na ipinapasa nila ay siya ring gusto ng constituent nila naghalal sa kanila. Talaga ba?
Tulad nitong pagpapaliban sa barangay at sangguniang kabataan (SK) election, mukhang ang mga mambabatas lang ang may gusto dahil kung magtanong ka sa mga barangay, gusto nilang matuloy ang eleksyon.
Hindi ako naniniwala na kinonsulta ng mga mambabatas ang mga botante kung nais nilang ipagpaliban ang pagpili ng kanilang mga barangay at SK officials dahil kung ginawa nila yan, malamang ay hindi nila itinuloy ang pagpapaliban sa halalang ito.
Malamang ang nakonsulta nila ay mga barangay officials at siyempre gusto nila yan dahil pabor yan sa kanila pero hindi pabor sa mga tao na bukod sa ipinagkakait sa kanila ang kanilang right to suffrage ay nauumay na sila sa kanilang mga opisyales na walang kuwenta, abusado at hindi nagsisilbi sa kanila.
Kahit noong isailalim sa pagdinig ang panukalang ito, tanging ang mga liga ng mga barangay lang ang sumang-ayon eh dahil kinontra yan ng iba’t ibang organisasyon na mas marami pero nanaig pa rin ang kagustuhan mga mambabatas.
Minsan iisipin mo, umiiral pa ba talaga ang demokrasya dahil mas pinakinggan ng mga mambabatas ang liga ng mga barangay kesa sa mas nakakaraming grupo na tutol na ipagpaliban ang eleksyon dahil mangangahulugan ito ng karagdagang taon ng mga walang silbin at abudadong barangay at SK officials.
Dapat majority will ang masunod para masabing umiiral ang demokrasya pero sa kasong ito, mukhang ang nasunod ay ang minorya na makikinabang sa panukalang ito kaya hindi natin masisi ang mga tao na isipin na moro-moro lang yung public hearing.
Huling nagkaroon ng eleksyon ng barangay noong October 30, 2023 kaya kailangang magkaroon ng halalan sa November 2, 2026 dahil magtatatlong taon na sila sa kanilang puwesto pero dahil ipinapaliban sa November 2028 ay magigiging 5 taon sila sa kapangyarihan.
Pero bago ang October 30, 2023 election, anim na taon na nananatili sa puwesto ang mga barangay at SK officials na nahalal noong Mayo 14, 2018 dahil dalawang beses ding ipinagliban ang halalan.
Ang maganda lang, halos nawalis ang lahat ng mga incumbent barangay officials na nahalal noong 2018 noong 2023 election dahil naumay ang mga tao sa kanila sa tagal nila sa puwesto na wala namang ginagawa kundi magpabilang lang sa puwersa ng kanilang mayor.
Isa ring kalokohan na idahilan ang krisis sa langis kaya kailangang ipagpaliban ang barangay at SK election dahil anong kinalaman niyan na palawigin ang termino ng mga walang silbing barangay officials at mga SK officials na malamang ay hindi na kabataan kundi katandaan na ngayon dahil sa tagal na nila sa puwesto?
Gumastos na ang Comelec ng P8 bilyon para sa paghahanda sa halalang ito tapos sasabihin nila sa atin na kailangang magtipid dahil sa krisis sa langis. Wala sa hulog na katuwiran!.
The post REPRESENTATIVES NGA BA? first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments