Ipinamalas ni Fatima Figueroa Alvarez ang galing at karangalan ng mga Pilipina matapos niyang masungkit ang titulong 5th Runner-Up sa katatapos na 49th Mrs. Universe 2026 na ginanap sa Colombo, Sri Lanka.
Kinatawan ni Fatima ang Pilipinas sa prestihiyosong international pageant kung saan mahigit 100 bansa ang naglaban-laban para sa korona.
Bilang pagbibigay-pugay sa kanyang tagumpay, isang homecoming celebration na pinamagatang “A Queen Returns: Beyond the Crown — A Voyage of Pride, Purpose, and Legacy” ang inihanda para sa kanya sa Manila Hotel. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng press upang kilalanin ang kanyang magandang performance at matagumpay na representasyon sa bansa.
Para kay Fatima, hindi lamang isang kompetisyon ang kanyang naging karanasan sa Sri Lanka kundi isang makabuluhang bahagi ng kanyang buhay. Bukod sa pagkakataong maipagmalaki ang Pilipinas sa international stage, nakilala rin niya ang iba’t ibang kultura at nakabuo ng mga bagong pagkakaibigan.
Ibinahagi rin niya ang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanyang journey.
“My experience in Sri Lanka was truly unforgettable. Representing the Philippines on the international stage was both an honor and a great responsibility. I am deeply grateful to the Mrs. Universe Organization for the opportunity, to all Filipino supporters around the world for their love and prayers, and to the media and press for continuously sharing and celebrating my journey. This achievement belongs not only to me, but to everyone who believed in me and proudly stood behind the Philippines. Maraming salamat po,” deklara niya.
Binigyang-diin din sa kanyang homecoming ang suporta ng Mrs. Universe Organization, mga kababayang patuloy na nagdasal at sumuporta sa kanya, gayundin ang Philippine at international media na sumubaybay sa kanyang laban.
Sa pagbabalik ni Fatima sa Pilipinas, bitbit niya hindi lamang ang karangalang hatid ng kanyang pagkakapasok bilang 5th Runner-Up kundi pati ang isang kuwentong puno ng pagmamalaki, pasasalamat at inspirasyon.
Isang Filipina queen na muling nagpatunay na kayang dalhin ng Pinay ang bandila ng Pilipinas nang may dangal sa international stage.
Very proud ang National Director ng Mrs. Universe PH na si Ms. Charo Calalo sa magandang resulta ng laban ni Fatima.
Pinuri niya si Alvarez hindi lamang dahil sa kanyang tagumpay sa international stage kundi dahil sa kabutihan ng kanyang puso, pagiging mapagkumbaba at dedikasyon sa pagtulong sa kapwa.
Ayon kay Calalo, bago pa man sumali si Fatima sa Mrs. Universe Philippines ay aktibo na itong nakikibahagi sa iba’t ibang gawaing pangkawanggawa sa kanilang komunidad.
Binigyang-diin niya na matagal nang nakikita kay Fatima ang malasakit at kagustuhang maglingkod sa iba, kahit hindi pa ito nagsisimula sa mundo ng pageantry.
Masaya rin si Charo na naging tagumpay nilang lahat ang pagkakamit ni Fatima ng international recognition. Bilang National Director, malaking kasiyahan din para sa kanya na makita ang magandang resulta ng kanilang paghahanda.
Ibinahagi rin niya na sa edad na 59, naging bukas si Fatima sa kanyang mga payo at gabay sa buong kompetisyon.
Bagama’t mas matanda si Fatima kaysa sa kanyang National Director, nanatili itong mapagpakumbaba, marunong makinig at nagtitiwala sa mga paghahanda at rekomendasyong ibinigay sa kanya.
Nagpasalamat si Charo sa pakikiisa, disiplina at pagiging cooperative ni Fatima na naging malaking bahagi ng kanyang paghahanda para sa international pageant.
Winner! (Roldan Castro)
The post Fatima Figueroa Alvarez 5th Runner-Up sa Mrs. Universe 2026 first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments