Umiskor si Jalen Brunson ng 23, nagdagdag siya Karl-Anthony Towns ng 21 points, 16 rebounds, at pinulbos ng New York Knicks ang Milwaukee Bucks 117-85 sa NBA regular season sa Madison Square Garden nitong Martes ng gabi, Nob. 10.
Limang 3-pointer ang ibinaon ni OG Anunoby tungo sa 19 points at kinolekta ng New York ang pang-apat na sunod na panalo (6-4).
Na-outscore ng Knicks ang Bucks 32-13 sa second quarter para kumalas. Nagtangkang mag-rally sa fourth ang Milwaukee (1-10) pero sinalag na lang ng New York.
Walang starter ang Knicks na naglaro ng higit 28 minutes sa ikalawang laro ng back-to-back, sinalo ng bench ang karamihan sa minuto.
Nagsumite ng 12 points si Tyler Kolek bilang backup kay Brunson. Nagbaba ng 14 rebounds si Andre Drummon sa loob ng 15 minutes, naglista ng 8 points si Deuce McBride.
Na-outscore ng Knicks ang Bucks ng 39 habang nasa loob si McBride.
Tanging ang 16 points ni Jaime Jaquez Jr. at 14 ni Ryan Rollins ang pumalag para sa Milwaukee.
Wala sa Bucks si leading scorer Tyler Herro na may iniinda sa kanang tuhod.
Tatlo lang ang lamang ng New York sa second quarter bago nagsabwatan sina Anunoby at Kolek sa next 10 points para ilayo 36-23.
Pasok ang 3-pointer ni Ousmane Dieng bago muling umiskor si Kolek at nasindihan ang isa pang 10-0 burst. Tinapos nina Brunson at Anunoby ang half sa magasunod na 3s tungo sa 58-34.
Nailapit ng Bucks 85-72 pagkatapos ng three quarters at nilista ang first basket ng fourth bago muling gumana si KAT at bumalik sa 20 ang lamang, naging 106-78 sa dalawang sunod na tres ni Anunoby. (Vladi Eduarte)
The post Jalen Brunson, Karl-Anthony Towns binalasa Milwaukee first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments