Susundan nina national junior players John Deryck Diego at Jay Ann Balwit ang makasaysayang tagumpay ng mga miyembro ng national senior teams nakaraang Nagoya-Aichi 20th Asian Games pagsabak sa 1st ASTAF U19 Asian Sepaktakraw Championships na itatanghal ng Philippine Sports Commission sa Nobyembre 26-30 sa Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium.
“Hindi naman po kami pupunta dito kung hindi namin kakayanin (mag-medal). Confident naman po tayo. We will try to do our best,” pahayag ng 16-anyos na si Balwit sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes, Nob. 10 sa PSC media center.
“Kaya po namin mag-podium finish dahil sa hard training namin na kasama na ang physical, mental and emotional,” hirit naman ni Diego, 17, na siyang team captain.
Pareho silang nagtamasa ng lokal at internasyonal na tagumpay, kung saan si Balwit ay nakakuha ng medalyang pilak sa doubles sa nakaraang Palarong Pambansa sa Agusan del Sur, habang si Diego ay nakatanso sa rings event sa 2025 Thailand Southeast Asian Games.
Kasama nila sa programang mga sinusuportahan ng PSC, Philippine Olympic Committee, San Miguel Corp., Milo at Arena Plus, sina PSC chairman John Patrick Gregorio, Commissioner Walter Torres at Philippine Sepaktakraw Association, Inc. president na si Karen Claire Caballero.
“Pinili namin ang 15 lalaki at 15 babae na nagsanay noong nakaraang Setyembre sa Bulacan Sports Complex sa ilalim ng aming mga beteranong national coach,” ani Caballero, na ang Nationals ay nag-uwi ng pilak at tanso sa women’s doubles at regu, ayon sa pagkakabanggit, sa huling Asiad.
Dinagdag niya, ang mga gintong medalya sa boys and girls regu, boy’s doubles at boys and girl’s quadrant events ang mga pagrarambulan sa torneo na kanyang giniit na malaking tulong sa grassroots development.
Nagsilbing matamis na musika sa pandinig ni Gregorio, na naging pangunahing tagapagtaguyod ng sports tourism sa bansa, ang inanunsyo ni Caballero na 15 bansa at halos 300 kalahok ang tampok kompetisyong may pahintulot ng Asian Sepak Takraw Federation.
Ang mga sisipa ay ang Bangladesh, Chinese Taipei, India, Indonesia, Iraq, South Korea, Malaysia, Myanmar, Pakistan, Thailand, Vietnam, Iran, Nepal at Oman. (Lito Oredo)
The post John Diego, Jay Balwit ganado sa ASTAF U19 Championships first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments