Katrina Halili, Kris Lawrence inurot ng baby no.2

Umaasa si Katrina Halili na mas marami pang travel, bonding moments at masasayang alaala ang mabuo nila ng boyfriend na si Kris Lawrence at anak nilang si Katie.

Itinuturing kasi ng aktres na isa sa pinakamasaya at memorable na bakasyon nila ang naging US trip nilang tatlo.

Sa Facebook post ni Katrina, ibinahagi niya ang ilang sweet at clingy photos nila ni Kris, kabilang ang kuhang may pa-kiss ang singer sa kanya.

Ibinida rin ng aktres kung gaano siya kasaya sa pagkakataong magkakasama silang tatlo at nakabuo ng panibagong masasayang alaala.

Bukod dito, hanga rin si Katrina sa kasipagan ni Kris na kahit abala sa trabaho ay nakakahanap pa rin ng panahon para sa kanila ni Katie.

Pagbabahagi ni Katrina:

“One of the happiest and most memorable trips namin sa US!

“Sobrang saya lang na magkakasama kaming tatlo at nakagawa ng more beautiful memories together.

“Mas lalo rin naming nakita ni Katie kung gaano kasipag si Dada. Grabe, halos wala nang pahinga pero tuloy-tuloy pa rin sa trabaho.

“Thank you Dada, for making time for us kahit sobrang busy mo. We’re so proud of you, and we appreciate everything you do.

“More travels, more memories, and more moments like this together. Love you both”.

Kalakip din ng post ang family photos nila at ilang kuha ni Katrina kasama ang anak.

Kilig na kilig naman ang mga netizen sa sweet moments ng tatlo. Marami ang naghahangad na sana ay magtagal pa ang magandang samahan nina Katrina at Kris.

May ilan pa ngang nagbiro at nag-udyok sa dalawa na sundan na si Katie para magkaroon ito ng kapatid.

Nagbakasyon sa Amerika sina Katrina at Katie, kung saan nakasama nila si Kris. ( Rey Pumaloy)

The post Katrina Halili, Kris Lawrence inurot ng baby no.2 first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments