Aktres, nagpamahagi ng tulong sa mga Aeta sa Porac, Pampanga

Ang mga kababayan nating Aetas na naninirahan sa Barangay Villa Maria sa Porac, Pampanga ang mga nakinabang sa mga donasyong ipinadala ng isang aktres sa kanilang lugar nitong December 30.

Mga tubig, bigas, biscuits, canned goods, at higit sa lahat, mga alcohol at face mask ang tulong na ipinamahagi ng aktres.

Ayaw ipasulat ng aktres ang kabutihang ginawa, pero kinumbinsi lang namin at pumayag dahil sa aming pangakong hindi babanggitin ang kanyang pangalan.

Nakatira sa kabundukan ng Porac ang mga Aeta, na simpleng-simple ang pamumuhay at hindi sumusunod sa ipinatutupad na social distancing dahil wala raw COVID-19 sa kanilang pamayanan.

Alam ng aktres na kahit sinasabi ng mga Aeta na walang kaso ng coronavirus cases sa lugar nila, importante pa ring turuan at sanayin silang magsuot ng face mask at gumamit ng alcohol dahil walang pinipiling lugar ang COVID-19.


Natutuwa ang aktres sa simpleng pamumuhay ng mga Aeta, na kaligayahan na ang maligo at maglaba sa batis.

Hindi sila labis na-aalala sa banta ng coronavirus.

Lalong hindi nila pinoproblema ang nakapanghihimagsik na desisyon ng pamahalaang taasan ng 3.50 percent ang kontribusyon sa PhilHealth, pero hindi pa naparurusahan ang mga opisyal na pinararatangang nagnakaw ng P15 billion mula sa naturang ahensya.

Nakagagalit at nakakadismaya ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth para sa katulad naming boluntaryong nagbabayad pero ninanakaw lamang ng mga walang konsensiyang akusado.

[ArticleReco:{"articles":["155849","155844","155845","155847"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments