Matindi ang impact ni LeBron James nitong 2020, sa loob at labas ng court.
Bago matapos ang taon, isa pang karangalan ang dinagdag ni James sa kanyang resume – bilang Associated Press Male Athlete of the Year.
Pang-apat niya mula sa AP, pinantayan sina Lance Armstrong at Tiger Woods sa most wins (male) ng award.
Siya rin ang Male Athlete of the Past Decade ng AP.
Binasag ni LeBron ang deadlock nila ni Michael Jordan bilang tanging NBA player na multiple winners ng award. Three-time winner si Jordan.
Binigyang halaga ng news organization ang commitment ni James sa social justice, voter outreach campaign work, at ang kanyang I Promise School sa Ohio.
Nang magsara ang eskuwelahan dahil sa coronavirus, siniguro ng The King na makakaain nang sapat ang mga estudyante – pina-deliver niya ang food packs sa bahay-bahay ng higit 450 bata.
Sinuspinde rin ng pandemic ang 2019-20 regular season noong March, pagbalik sa Orlando bubble noong July ay binitbit ni LeBron ang Los Angeles Lakers sa titulo.
Nasa unahan si James nang kalusin ng Lakers ang Miami Heat sa anim na laro para sikwatin ang 17th championship banner ng prangkisa. (Vladi Eduarte)
The post James maangas sa loob, labas ng court first appeared on Abante Tonite.
0 Comments