‘Last Dance’ palakas kay Jordan sa GOAT

Sa pamamagitan ng The Last Dance, nakilala ng Batang ‘90s at Millenials si Michael Jordan.

Nagkaroon ng insight ang mas batang henerasyon kung bakit nangunguna sa debate ng Greatest Of All Time ang dating Chicago Bulls star.

Sinuspinde ng coronavirus pandemic ang pa-finish line nang NBA 2019-20 season noong March 11, nabuhayan ang basketball fanatics nang ipalabas ng ESPN at Netflix ang documentary-series.

Pati ang mga NBA superstar ng kasalukuyang panahon, inabangan ang series.

Focused sa final season ni Jordan sa Chicago noong 1997-98 ang 10-part series na iniere ng late April, pero may pasulpot-sulpot na sundot mula sa kanyang panahon sa University of North Carolina at mga unang taon sa Bulls.

Mula sa unang three-peat noong ’91-’93, nangayaw pagkatapos pero bumalik ng ’96 para umpisahan ang pangalawang trifecta.

Parang anino ang film crew na hindi humiwalay kay Jordan – at sa kampanya ng Bulls – noong 1997.

Nakilala rin ng bagong henerasyon ang ex-teammates ni Jordan tulad nina Scottie Pippen at Dennis Rodman, at si Isiah Thomas ng Pistons na mortal niyang karibal bago natapos ang dekada-80 hanggang pumasok ang unang bahagi ng ‘90s.

May sarili ring eksena sina Reggie Miller ng Pacers, Karl Malone at John Stockton ng Jazz, at kakampi nilang si Bryon Russell na biktima ng ‘The Push’ sa title-clinching Game 6 ng ’98 NBA Finals. Sa docu ay itinanggi ni Jordan na tinulak niya si Russell kaya napakawalan ang ‘The Last Shot’ ng kanyang Bulls career.

Ang dating binansagang ‘flu game’ ng ’97 finals, nalinawan sa The Last Dance at nagmukhang ‘food poisoning game’.

April 19-May 17, nabuhay ang phenomenon na kung tawagin ang Michael Jordan.

Tinawag na ‘untold story’ ni Jordan, bago sa paningin ang behind-the-scenes na hindi pa nakita ng publiko.

Sa Episodes 5 at 6 ay napahapyawan ang tribute kay Kobe Bryant.

“That little Laker boy’s gonna take everybody one-on-one,” patungkol ni Jordan nang makalaro si Kobe sa ’98 All-Star Game.

Sa sumunod na dalawang installment ay ang punto ni LeBron James sa retirement ng karibal niya sa GOAT tag. (Vladi Eduarte)

The post ‘Last Dance’ palakas kay Jordan sa GOAT first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments