Knicks pinugutan Cavs: Randle nagposte ng triple-double

Umukit ng triple-double si Julius Randle upang akbayan ang New York Knicks sa 95-86 pagtumba kontra Cleveland Cavaliers sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season season game nitong Miyerkoles (Huwebes, Manila time).

Kumayod ang 26-year-old, 6-fopot-8 forward/center ng 28 points, 12 rebounds at 11 assists upang ilista ang 2-2 karta ng New York at dungisan ang Cavs sa unang pagkakataon sa apat na salang.

Nanalasa si Randle ng 18 markers sa first half pa lang para tulungan ang Knicks na makalamang ng 16 puntos sa pampito na niyang career triple-double sa pito ring pro career.

“I just tried to take what the defence gave me while playing the game the right way,” bulalas ni Randle. “We’ve got great spacing and when the defence collapses, I know I can make the right play. When you get wide-open shots, it makes it easier for everybody.”

Bumakas si Reggie Bullock ng 17 markers habang 14 pts., eight boards at seven assists ang tinipa ni Elfrid Payton.

Nanguna naman sa opensa para sa Cavaliers si Collin Sexton na tumikada ng 20 puntos at apat na assists. (Elech Dawa)

The post Knicks pinugutan Cavs: Randle nagposte ng triple-double first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments