Inunahan ng PBA ang NBA sa pagkansela ng mga laro pagkatapos pumutok ang coronavirus pandemic.
March 11 (araw sa Manila) nang biglang magpatawag ng press conference ang liga, at binasag ni commissioner Willie Marcial na ipapatigil na niya ang mga laro.
Kinabukasan pa sinuspinde ni NBA commissioner Adam Silver ang season matapos mag-positive si Jazz center Rudy Gobert.
Para sa kapanakan ng players, teams, stakeholders at fans.
Nakakaisang laro pa lang sa 45th season noon, ang match ng San Miguel Beer at Magnolia sa opening night ng March 8.
“Hindi na namin tiningnan kung ano’ng impact sa schedule, pera. Tiningnan namin kung ano’ng kalagayan natin lahat,” pahayag noon ni Marcial. “Hindi na namin tiningnan kung ano mawawala sa amin. Ang mahalaga, ‘yung safety ng lahat.”
Nakabalik ang NBA ng July 31 sa Orlando bubble.
Matapos ang mahaba-habang pakikipag-usap at pahihintay ng sagot ng IATF, binigyan ng pamahalaan ng go-signal ang liga para bumalik.
Iginaya ng PBA ang pattern sa NBA, nagtayo din ng bubble sa Pampanga at itinuloy ang Philippine Cup noong Oct. 11. Sa Quest Hotel sa Clark tumuloy ang delegasyon, ginanap ang mga laro sa kalapit na Angeles University Foundation gym sa Angeles City.
Mahigpit na ipinatupad at sinunod ang health protocols.
Sa unang pagkakataon, naging araw-araw ang laro.
Nang mapaulat na may referee at player na nag-positive sa COVID-19, nagkaroon ng bantang pumutok ang Pampanga bubble. Pansamantalang tinigil ang mga laro.
Sa kabutihang-palad, false-positive ang kaso pagkatapos ng confirmatory tests at tinuloy ang games.
Nagagahol sa panahon, sa unang pagkakataon din sa 45 years ng liga ay nagkaroon ng apat na matches sa isang araw.
Hilahod man ang players, tagumpay na nairaos ang nag-iisang conference na na-salvage sa season.
Nagbuno sa Finals ang Ginebra at TNT Tropang Giga. Isinara ng Gin Kings ang best-of-seven sa limang laro at noong Dec. 9 ay itinaas ang unang all-Filipino crown sapul noong 2007.
Finals MVP si LA Tenorio na ilang araw bago ang restart ay sumailalim pa sa appendectomy at late ng pasok sa bubble. (Vladi Eduarte)
The post Tenorio, Ginebra bumida sa bubble first appeared on Abante Tonite.
0 Comments