GORGY RULA
Nakatakda sa Enero 26 at Pebrero 16 ng taong 2021 ang hearing ng kasong isinampa ng Viva Artists Agency (VAA) laban kay Nadine Lustre.
Ayon sa legal counsel ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan, hindi natuloy ang unang naka-schedule na hearing dahil pinagbigyan sila ng prosecution na makapagsumite ng kanilang Opposition.
Pahayag ni Atty. Kapunan nang nakapanayam namin sa DZRH noong Martes, December 29, “Binigyan ng pagkakataon si Nadine na mag-file ng opposition, because humihingi sila [Viva[ ng Injunction at saka attachment dahil daw sa mga kontrata na Nadine allegedly entered into ano...
“Pero marami kaming gustong sabihin at sasabihin namin sa Opposition namin because, number one, e, yung contract with Viva is really an agency agreement, ano?
“Alam naman natin na pag agency iyan, puwedeng i-terminate ng principal at all times. Kasi, ang daming pagkakamaling ginawa ng Viva kay Nadine.
“Although sinasabi ng Viva na the future of Nadine and her reputation in the industry was all because of them, ipapakita namin na hindi iyan totoo.”
Patutunayan din daw nila na ang Viva ang may nilabag sa kontrata at hindi si Nadine.
“The contract is really oppressive, ‘no? She entered when she was 15 years old and extend sila nang extend without explaining to Nadine hanggang 2029 ang kontrata niya.
“Ang sinasabi ng Viva na may valid contract sila, which is not correct. The contract was terminated in October.
“At si Nadine ay self-managed na iyan, ano? Lahat ng mga kontrata niya, ang mga commercials na ginawa niya ay siya ang nagpundar niyan, ano?
“Viva had nothing to do with it at hindi naman tama na hihingi sila ng 40 percent… gumawa naman sila ng effort,” saad ni Atty. Kapunan.
Sinabi rin ni Atty. Kapunan na ang isyu ni Nadine sa Viva ay hindi raw dapat idiretso sa korte, kundi dapat dumaan sa arbitration dahil iyon ang nakasaad sa kontrata.
“Dapat kung may dispute ang parties… ang Viva, may reklamo kay Nadine, pumunta sila sa arbitration. Ang ginawa ng Viva ay dumiretso sa korte.
“Hindi naman sila nagbigay ng notice kay Nadine na gusto nilang mag-arbitrate.”
Ipinaliwanag ni Atty. Kapunan kung ano dapat ang proseso kung idadaan sa arbitration.
“Pag arbitration ang procedure ay ganito: ang Viva ay mag-appoint ng isang arbiter, ang Nadine ay mag-appoint ng isang arbiter, at silang dalawa ay magpi-pick ng third arbiter.
“So, ang magde-decide ng dispute ng problema ng parties, ang Viva at ni Nadine ay itong arbitration. Yung tatlong arbiters ang mag-decide kung sino ang tama at sino ang mali.
“Ang ginawa ng Viva, e, sinasabi nila, may kontrata, hindi naman nila sinusunod ang kontrata.
“Dumiretso sila sa korte at ngayon ay humihingi sila ng injuction,” saad ng abugado ni Nadine.
JERRY OLEA
Tatlumpo’t siyam (39) na taon na ang Viva Films sa industriya.
Ngayon lang daw nangyari na merong artista ng Viva na nagreklamo sa matagal na nilang sistema na ginagawa sa lahat na mga nakakontratang artista?
“Hindi lang ngayon iyan, ano? Matagal nang ginagawa iyan ng Viva. Hindi lang kay Nadine, sa lahat na mga nakontrata ng Viva,” sabi pa ni Atty. Kapunan.
“Iyon ang gusto naming ipakita na siguro nagrereklamo ang Viva ngayon, kasi ngayon lang may nagsalita to question.
“Si Nadine lang ang first na nag-question ng kontrata ng Viva.
“We will show how wrong that contract is and how oppressive ang ginagawa ng Viva, ‘no? Hindi lang kay Nadine kundi sa iba pang talents ng Viva.
“Nadine is very bright, smart. Alam niya ang tama at alam niya ang mali.
"Dito ay matatag ang loob niya na tama ang ginagawa niya, hindi lang para sa mga artista na kagaya niya.
“Tama na. Tama na ang pang-aapi na ginagawa ng Viva. At panahon na makita na hindi tama ang ginagawa nila na wala naman silang effort… sinasabi nila na ang dami nilang effort.
“Ang kapal ng complaints nila pero napatunayan namin na wala naman sila masyadong ginagawa.”
Tuloy pa rin naman daw ang trabaho ni Nadine. Kung meron man daw ilan pang nakabinbin na trabaho si Nadine sa Viva, tinatapos daw ito ng aktres.
“Nadine is doing well because matatag ang loob niya, tama yung ginagawa niya. At itinutuloy niya kung ano ang ginagawa niya.
“Kung meron man siyang kontrata sa Viva… meron siyang mga natirang few contracts that Viva started, tinutuloy naman niya. Just to show na in good faith siya.
"Ang bad faith dito ang Viva,” diin pa ni Atty. Kapunan.
Abangan natin kung ano ang kahihinatnan ng usaping ito.
[ArticleReco:{"articles":["148992","149007","155497","155501"], "widget":"Hot Stories"}]
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
0 Comments